Featured Song: Amazed – Lonestar
"Every little thing that you do, baby, I'm amazed by you..."
**
Chapter 23
Words**
We were kissing endlessly like there's no tomorrow. Pero nang maramdaman kong parang kakapusin na ako ng hininga ay tumigil na ako. Ganoon din ang ginawa niya. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko bago niya ako tinitigan sa mga mata.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Pareho lang kaming naghahabol ng hininga habang nakatitig sa mata ng isa't isa. Pero mga ilang sandali lang ay siya na mismo ang bumasag sa katahimikan.
"So, sinasagot mo na ba ako? Tayo na ba?" tanong niya.
Parang doon pa lang ako natauhan. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko ang ginawa ko. Napaatras ako dahil sa gulat ko sa tanong niya. Napaiwas ako ng tingin.
"No! I mean... ano... kasi..." I sighed. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Nahihiyang tiningnan ko siya at nakakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin. "I'm sorry. I really don't know what came over me. Hindi ko sinasadyang... g-gawin iyon. Pasensya na."
Nanatili lang akong nakayuko kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya. Napapikit ako at hindi ko na naiwasan pa ang pagpasok ng kung ano-ano sa isip ko.
Shucks naman! Bakit ko ba kasi ginawa iyon? Hindi ko talaga alam kung bakit bigla ko na lang siyang hinalikan. Inamin ko lang naman sa sarili ko na nahuhulog na ako sa kanya tapos iyon na.
Paano ito ngayon? Paano kung magalit siya sa akin dahil sa ginawa ko? Tapos ngayon, tinatanong pa niya ako kung sinasagot ko na ba siya. Ano namang isasagot ko roon? Oo, kami na? Pero parang ayoko pang maging kami. Kakaamin ko pa nga lang sa sarili ko na nagsisimula na akong mahulog sa kanya tapos kami na agad? I need to sort out my feelings first. Hindi pwedeng ganito.
Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko siyang bumuntong-hininga. I fought the urge to look at him because I don't know if he's mad at me or not. Ayokong makita siyang galit sa akin o naiinis dahil sa ginawa ko.
"So, it's still a no, huh? Okay," he said. Nagulat ako sa sagot niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's smiling at me like it's really okay with him.
Napakunot-noo ako. "Okay?"
"Yes. Okay," he said and nodded. "I told you I can wait, Bree. If it's a no, then no. I won't force myself to you. Hindi naman dahil hinalikan mo ako ay sinasagot mo na 'ko. I will wait until you say yes, kahit gaano pa katagal. Tinanong ko lang kung sinasagot mo na ba ako dahil iyon ang unang pumasok sa isip ko nang halikan mo ako."
Napalunok ako nang banggitin niya ang ginawa ko. Ngumiti lang ako ng tipid.
"Why did you kiss me anyway? I was surprised when you suddenly pulled me," he suddenly asked. I felt my cheek burn. Nanliit naman ang mga mata niya sa akin. "By any chance, do you... already like me? Because I think you won't do that unless you like me."
Bigla kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko nang itanong niya iyon. Shit! Bakit naman ganoon ang tanong niya? Paano ko naman sasagutin iyon? Aamin na ba ako na gusto ko siya?
Pero wala na rin namang dahilan para itanggi ko iyon, 'di ba? Tulad nga ng sinabi niya, hindi ko naman gagawin iyon kung hindi ko siya gusto. Shucks talaga! Nakakakaba naman ito! Bakit ko ba kasi ginawa iyon?
Kasalanan niya ito, eh. Hindi ko naman siya hahalikan kung hindi siya nakaka-tempt halikan.
I sighed. Napanguso ako at hindi ko magawang tumingin sa kanya. Mabilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay aatakihin na ako sa puso anumang oras.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...