Chapter 33
Trip**
Two days after Hero told me about his plan, he called me to say that he already bought our tickets. He told me that we'll go to Cebu after three weeks. After three weeks pa dahil may mga naka-schedule pa siyang trabaho.
Pagkatapos niya akong sabihan na matutuloy kami, nagpaalam na agad ako kina Mommy at Daddy. Buti na lang at pinayagan naman nila ako. Nag-file na rin ako ng leave sa coffee shop kaya wala ng problema.
Sobrang excited na talaga ako sa trip naming dalawa! Dahil nga roon ay hindi ko napigilang sabihin iyon kina Saff at Eunice. I told them about our trip. Nasabi ko rin iyon kay Aries at ang gaga, gustong sumama. Siyempre, hindi ako pumayag. That trip is exclusive only for me and Hero. It'll be our first trip as a couple.
Kasalukuyan akong nasa sala ngayon kasama si Mommy habang nagtitiklop ng mga bagong labang damit. Next week na ang alis namin ni Hero at ngayon ko lang naalala na hindi pa nga pala ako nakakapag-ayos ng mga dadalhin. Pero okay lang naman dahil may ilang araw pa bago ang alis namin. Madali lang namang mag-ayos.
"Anak, kumusta pala kayo ni Hero?" biglang tanong ni Mommy. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Po?"
"Hindi ba kayo nagkakatampuhan o nag-aaway? Maayos naman ba ang pakikitungo niya sa'yo?"
Napangiti ako. "Of course, Mom. Maayos na maayos po kami at maayos din po ang pakikitungo niya sa akin. Kilala niyo naman po si Hero, eh. Wala namang masamang gagawin sa akin iyon. Medyo nagkakatampuhan po kami minsan pero alam niyo naman po ang isang relasyon. Hindi naman po maiiwasan iyon."
Tumango-tango siya. "Basta anak, kapag may problema, nandito lang kami ng Daddy mo at kapatid mo. Huwag kang mahihiyang magsabi sa amin."
"Yes, Mommy. Alam ko naman po iyon," sagot ko. Itinuon ko ang atensyon ko sa itinitiklop kong damit nang may bigla akong maalala. "Mom, paano po kung one of these days, sinabi kong ikakasal na ako? Papayag po ba kayo?"
Natigilan si Mommy sa pagtitiklop. Napatigil na rin ako saka ako nag-angat ng tingin sa kanya.
"Why? Did Hero already ask you to marry him?"
"Hindi naman po," sagot ko pero bigla rin akong natigilan. "Actually, minsan po bigla na lang niyang sinasabi na magpakasal na kami kaso iniisip kong biro niya lang iyon. Alam ko naman pong masyado pang maaga kung magpapakasal na kami. Wala pa nga pong dalawang buwan ang relasyon namin."
"Ikaw ba anak, kapag niyaya ka na niyang magpakasal one of these days kahit na hindi pa ganoon katagal ang relasyon niyo, anong isasagot mo?"
Napaisip ako. Sa totoo lang, alam ko naman ang sagot doon. Alam kong papayag ako agad tulad ng sinabi ko kay Hero noon. Kaya lang, iniisip ko rin naman kahit papaano ang mga magulang ko. Paano kung hindi okay sa kanila na magpakasal na ako?
"Hindi ko po alam. Para po sa akin, mas mahalaga pa rin po ang sasabihin ninyo."
"Anak, hindi naman kami ang ikakasal kay Hero," sagot ni Mommy. Napanguso ako.
"Alam ko po. Ibig ko pong sabihin, kung ayaw pa po ninyo na magpakasal ako, hindi muna ako magpapakasal. Gusto ko pa rin po ng basbas niyo."
Napabuntong-hininga si Mommy saka ngumiti.
"Anak, hindi mo na kailangang magpaalam sa amin kung pwede ka na bang magpakasal o hindi pa. Nasa tamang edad ka na. Kung tutuusin nga, sa inyong magkakaibigan, ikaw na lang itong wala pang sariling pamilya. Maiintindihan namin ng Daddy mo kung gusto niyo nang magpakasal ni Hero one of these days. Kung basbas namin ang gusto mo, ngayon pa lang, binabasbasan na namin kayo. Alam namin kung gaano niyo kamahal ang isa't isa kaya ayos lang sa amin kung iyon talaga ang gusto niyo."
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...