Chapter 46
Miss**
Kasalukuyan pa rin kaming nakaupo ni Hero sa sahig ngayon. Parehas na kaming nakasandal sa dulo ng kama ngayon at parehas na rin kaming kalmado pagkatapos ng nangyari kanina. Malapit nang dumilim sa mga oras na ito. Nakatulog na si Hero habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko at nakayakap siya sa akin.
I caressed his hair and smiled. It feels so good to be in his arms again. Hindi ko alam kung kakausapin na ba niya ako pagkagising niya pero sa ngayon, hindi ko na muna iisipin iyon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makatulog siya nang maayos.
"Don't leave."
Bahagya akong natigilan nang marinig ko siyang bumulong. Humigpit din ng kaunti ang pagkakayakap niya sa akin. Akala ko ay gising na siya pero nang silipin ko ang mukha niya ay nanatili lang siyang nakapikit. Maybe he's sleep talking. Siguro ay napanaginipan niyang iniiwan ko siya.
Hinalikan ko ang noo niya saka ako bumulong. "I won't ever leave you."
Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. Paggising ko ay nakahiga na ako sa kama at may kumot nang nakabalot sa akin. Nasa tabi ko ang kambal na ngayon ay gising na gising na. Nang tumingin ako sa bintana ay nakita kong madilim na sa labas.
Bumangon ako saka tumingin sa kambal. Parehas silang ngumiti nang makita ako. Napangiti ako saka ko sila binigyan ng tig-isang halik.
"Where's your Daddy, huh?" I asked. Of course, hindi sila sumagot. They just keep on babbling some words that I don't understand. Pinanggigilan ko na lang sila ng halik.
Napatigil ako sa ginagawa ko nang may biglang pumasok sa kwarto. Nagtama ang paningin namin ni Hero nang pumasok siya. He cleared his throat.
"Kumain ka na. Tapos na ako," simple niyang sinabi bago lumapit sa tabi ng kambal.
Bahagya pa akong natigilan nang kausapin niya ako pero sa huli ay tumango na lang ako saka tumayo. Hinayaan ko na lang muna siyang laruin ang kambal. Ramdam ko pa rin kasi ang awkwardness sa pagitan namin. Pumunta na lang ako sa kusina para kumain.
Napangiti ako nang makitang nagluto siya ng dinner para sa amin. Bigla tuloy akong na-excite na kumain dahil ngayon ko na lang ulit matitikman ang luto niya. Mabilis na akong kumuha ng plato saka nagsimulang kumain.
Pagkatapos kong kumain at maghugas ng pinggan ay naisipan kong bumalik na sa kwarto. Huminto ako saglit sa pinto para pagmasdan silang tatlo.
Napakunot-noo ako nang makitang parang may malalim na iniisip si Hero habang nakatingin sa kambal. Kahit na nakikita kong nilalaro niya ang kamay nila, nakikita ko rin na parang may iniisip siya. Bigla tuloy akong na-curious kung ano ba ang nasa isip niya sa mga oras na ito. Is it about us? Is it about what I told him earlier? Pinag-iisipan ba niya kung dapat na niya akong pakinggan at patawarin?
I hope so. Dahil gusto kong magkaayos na kami. Gusto ko nang mayakap siya at mahalikan tulad ng dati. Gusto ko na ulit maramdaman ang pagiging sweet niya at ang pag-aalaga niya sa akin.
Nagulat ako nang bigla na lang umiyak si Jude. Nakita ko namang biglang natauhan si Hero dahil sa pag-iyak niya. Binuhat niya ito saka sinubukang patahanin.
"Shh... Baby, what is it? What do you want, huh? Are you hungry?" tanong niya rito habang hinehele ito. Tumayo na siya nang hindi pa rin ito tumatahan.
Naisip kong baka nga gutom na siya kaya lumapit na ako sa kanila. Nag-angat ng tingin sa akin si Hero nang maglahad ako ng kamay sa kanya. Sumenyas ako na kukunin ko si Jude kaya ibinigay niya ito sa akin. Umupo ako sa gilid ng kama saka bahagyang tumalikod sa kanya. Ibinaba ko ang strap ng damit ko saka ko sinimulang i-breastfeed si Jude.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...