Featured Song: Perfect – Ed Sheeran
"She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home..."
**
Chapter 34
Always**
Tahimik lang akong nakaupo ngayon sa dalampasigan habang nakatingin sa dagat. Kalahating oras na rin ang nakalipas mula nang iwan ko si Hero kasama ang mga fans niya. Hindi ko na alam kung nasaan siya at kung hinahanap ba niya ako.
Napabuntong-hininga ako. Alam kong dapat puntahan ko na siya ngayon dahil siguradong nag-aalala na siya sa akin. Ayaw pa naman niyang umaalis ako nang walang paalam. Siguradong pagagalitan na naman niya ako dahil sa pag-iwan ko sa kanya.
Bahala na kung magalit siya. Dapat nga magalit din ako sa kanya kasi mas inuna pa niya ang mga babaeng iyon. Oo, naiintindihan ko naman kung gusto niya silang pagbigyan kasi siyempre, fans niya ang mga iyon. Pero sana naisip niya rin ang mararamdaman ko. Sana tumanggi na lang siya. This is supposed to be our time together. Dapat walang dapat na makisali.
Nakakainis din ang mga babaeng iyon. Naiintindihan ko naman kung gusto nilang magpa-picture kay Hero. Pero sana hindi nila iyon ginawa ngayon, 'di ba? Kung gusto nilang magpa-picture, sana pumunta na lang sila sa shows or fan meeting ni Hero. Hindi ba obvious na nagbabakasyon si Hero ngayon kasama ako?
"Why did you leave?"
Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Hero. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at doon ko nakita si Hero na ngayon ay nakakunot ang noo. May bahid ng pagkairita sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya nang seryoso. Mga ilang sandali lang ay pumungay ang mga mata niya nang parang may na-realize siya. Umiwas ako ng tingin at tumingin na lang sa madilim na dagat. I felt him walk towards me and sat beside me.
"Baby, are you mad?" he softly asked. Gusto kong matawa dahil kanina lang ay parang galit siya sa akin dahil sa pag-iwan ko sa kanya pero ngayon ay naging maamo ang boses niya.
Ngumiti ako ng tipid bago sumagot nang hindi tumitingin sa kanya.
"No, I'm not. Bakit naman ako magagalit? Naiintindihan ko naman na fans mo sila. Of course, they're your priority. Girlfriend mo lang naman ako. Okay lang talaga. Hindi ako galit," sagot ko. Kinagat ko ang labi ko nang hindi ko naitago ang pait sa boses ko habang sinasabi iyon.
"Oh, shit. You're mad," he said, almost a whisper. Hinarap niya ako at mas lalo niyang inilapit ang sarili niya sa akin. He took one of my hands and kissed it before looking at me. "Baby, I'm sorry."
"Why are you apologizing? Hindi nga ako galit."
"No, baby. I know you're mad. Tell me. Please tell me what you're thinking."
Hindi ako agad sumagot. Seryoso ko siyang tiningnan. Kitang-kita ko ang pagsisisi sa mga mata niya. He also looks frustrated. Para bang hindi niya alam ang gagawin.
I sighed. Sa totoo lang, nahihiya akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ngayon. Pero kapag hindi ko naman sinabi, baka mas lalo lang kaming magkatampuhan. Sa dami ng nabasa kong libro, alam kong lack of communication ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakahiwalay ang dalawang taong nagmamahalan. Ayoko namang magkahiwalay kami ni Hero dahil lang hindi kami nakapag-usap ng maayos.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya ng seryoso nang sumagot ako. Nangilid ang luha ko dahil sa inis na nararamdaman ko.
"Naiinis ako. Naiinis ako kasi dapat oras lang nating dalawa ito. Dapat walang nakikisali o nakikisawsaw. It's our first trip together and I want it to be memorable. Naiinis din ako sa'yo kasi hindi mo man lang sila magawang tanggihan. Alam ko namang fans mo sila kaya hindi mo sila magawang tanggihan. I know they're your priority. Bago ako, nandiyan na sila. Pero hindi ba pwedeng ako muna ang gawin mong priority ngayon?"
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...