Fifty

39.3K 860 68
                                    

Featured Song: It Might Be You – Michael Pangilinan

"Maybe it's you I've been waiting for all of my life..."

**

Chapter 50
Proposal

**

Three days after Hero's interview, we went home to Manila. Kasama namin si Ate Leona sa pag-uwi. Nakatulong iyon dahil ang dami naming dala. Of course, hindi ko na inuwi pa ang ibang mga gamit sa bahay. Hinayaan ko na iyon doon para sa susunod na titira. Kaya lang naparami ang dala namin ay dahil sa mga gamit ng kambal.

Nasa airport na kami ng Cebu nang tawagan ako ni Hero. He's asking if we're on the plane already. Ang sabi ko, hindi pa oras ng flight namin. Masyado yata talaga siyang excited na makita kami dahil nalaman kong naroon na siya sa NAIA kasama si Kuya Kevin.

Pero hinayaan ko na lang. Hindi ko naman siya mapipigilan sa gusto niya. Naroon na siya, eh. Ano bang magagawa ko?

But of course, I'm excited to see him, too. Three days without him is already too long for me. Hindi talaga sapat na sa tawag or video call lang kami nakakapag-usap. Kahit nga yata ang kambal ay nami-miss na siya.

Nag-usap muna kami ni Hero hanggang sa dumating na ang oras ng flight namin. Mga ilang sandali lang ay nasa eroplano na kami at hinihintay na lang na mag-take off.

Hindi naman nagtagal ang biyahe namin. Nang makarating kami sa NAIA ay agad na rin naming inasikaso ang dapat naming asikasuhin. Tulak-tulak ko ang stroller ng kambal at dala ko rin ang iba naming gamit habang si Ate Leona naman ang nagtutulak ng baggage cart namin.

Tiningnan ko ang cellphone ko para malaman kung may text ba si Hero pero wala. Nag-text na lang ako na nandito na kami. Nag-angat ako ng tingin para hanapin sina Hero sa mga taong naghihintay ng kani-kanilang pamilya pero hindi ko sila nakita. Bumaling ako kay Ate Leona.

"Nasaan na ba sila, Ate? Nag-text ba sila sa'yo? Wala pa kasing text sa akin si Hero, eh. Hindi rin siya nagre-reply," sabi ko.

"Wala rin, eh. Let's just wait here. Maya-maya lang, siguradong magpapakita rin sila," sagot niya. "Akin na muna iyang mga dala mong gamit. Ipatong mo na lang dito sa baggage cart para hindi ka mahirapan."

Bago pa man ako makaangal ay bigla na niyang kinuha sa akin ang mga dala ko. Wala na akong nagawa kundi ang ibigay sa kanya iyon.

Nanatili lang kaming nakatayo roon ng ilang minuto. Mabuti na lang at tulog ang kambal kaya hindi ko sila kailangang alalahanin muna. Nang makaramdam ako ng pagkainip ay nagpasya akong tawagan na si Hero. Kaya lang, hindi naman siya sumasagot. Ring lang iyon nang ring.

Nasaan na kaya sila? Ang sabi niya kanina, nandito na raw sila. Pero hindi pa naman sila nagpapakita hanggang ngayon. Pinagtitinginan na nga kami ng mga napapadaan dahil medyo kanina pa kami naghihintay rito.

Napabuntong-hininga ako. Yayayain ko na sana si Ate Leona para sa labas na lang hintayin sina Hero pero natigilan ako nang biglang may tumugtog na gitara sa kung saan. Tuloy pa rin sa pagdaan ang mga tao na para bang wala silang pakialam doon. Pero ako? Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong pakinggan iyon.

Sa isang iglap, bigla na lang may kumanta na naging dahilan para mapahinto ang mga taong dumadaan. And when I heard that voice, I already knew it was him.

"Time, I've been passin' time watchin' trains go by, all of my life. Lyin' on the sand, watchin' seabirds fly. Wishing there would be someone waitin' home for me. Something's telling me it might be you. It's telling me it might be you..."

Napatakip ako sa bibig nang makita ko si Hero na tumutugtog ng gitara habang kumakanta. He's slowly walking towards me. Nang makarating siya sa gitna ay huminto siya roon. Nanatili naman akong nakatayo sa kinatatayuan ko habang patuloy siyang kumakanta.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon