Chapter 42
Kambal**
"Oh, uminom ka muna," sabi ni Zyrine bago iniabot sa akin ang basong may lamang tubig. Tinanggap ko iyon at agad na ininom.
"Salamat."
"Zy, ano bang nangyari? Bakit umiiyak si Bree? Hindi ba galing kayo sa palengke? May nangyari ba?" sunod-sunod na tanong ni Zeus kay Zyrine.
Napabuntong-hininga ako at pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako nang maalala ko ang nangyari kanina. Nang makita ni Zyrine kanina na umiiyak ako habang nakatingin kay Hero, agad na niya akong hinila paalis. Nagpatianod na lang ako sa hila niya dahil pakiramdam ko ay nawalan na ako ng lakas nang makita siya.
Habang paalis kami kanina ay nilingon ko pa si Hero. Ang gulat niyang reaksyon nang makita ako ay napalitan ng isang malamig na tingin. And by the looks of it, I know he's mad. Kaya nang makauwi kami sa bahay ko ay hindi ko na napigilan pang mapahagulgol ng iyak nang maalala ko ang tingin niyang iyon.
Alam kong wala akong karapatang umiyak dahil ako ang nang-iwan at ako ang dahilan kung bakit siya galit sa akin pero hindi ko mapigilan. It hurts so much to see the one that you love look at you with so much hate in his eyes.
"Nagkita sila ni Hero. Natatandaan mo 'yong malaking bahay riyan sa dulo? 'Yong bahay ng mga Miranda? Mukhang kilala nila si Hero dahil nandoon silang lahat. Ayun, nagkita sila at halatang galit si Hero sa kanya," sagot ni Zyrine sa tanong ni Zeus.
"What? Kilala nila si Hero? Paano nangyari iyon? Kamag-anak ba nila si Hero?" gulat na tanong ulit ni Zeus.
"Hindi ko al—"
"Manager ni Hero si Kuya Kevin at stylist naman niya si Ate Leona," pagputol ko sa sinasabi ni Zyrine. Pareho silang napatingin sa akin.
"Kung ganoon, bakit sila nandito?"
"May mall shows si Hero rito sa Cebu at isa rin siya sa mga special guests ng Famoso sa concert nila kaya siya nandito. Kung may bahay pala rito sina Kuya Kevin at Ate Leona, malamang dito nila naisip na tumuloy kahit na malayo sila sa siyudad," sagot ko.
Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ni Zyrine.
"Grabe! Hindi ka nga pupunta sa mall shows niya para hindi ka niya makita kaso siya naman ang nandito. Grabe ang tadhana! Mas gusto yata talagang pinaglalapit kayo," aniya. "Paano ngayon iyan? 'Di ba hindi ka pa dapat magpapakita sa kanya hangga't hindi niya natutupad ang pangarap niya? Paano ngayon iyan na nagkita na kayo? Hindi mo naman siya pwedeng iwasan dahil nandiyan lang siya sa malapit."
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Totoo ang sinabi ni Zyrine. Hindi pa dapat ito ang panahon para magkita kami. Ang balak ko noon, magpapakita lang ako sa kanya kapag natupad na niya ang mga pangarap niya. Ngayong ganito ang nangyari, hindi ko alam ang dapat kong gawin.
Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig kong umiiyak ang isa sa kambal. Tumayo ako at mabilis na pumunta sa kwarto. Kasalukuyan pa ring natutulog si Jude pero si Jace ay medyo lumalakas na ang iyak. Agad ko siyang binuhat para patahanin bago pa magising si Jude.
"Shh... Baby, nandito na si Mommy," pagpapatahan ko sa kanya habang hinehele siya. Huminto naman siya sa pag-iyak kaya patuloy ko pa rin siyang inihele para makatulog.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagpasok ng magkapatid sa loob ng kwarto.
"What are you going to do with the kids? Sasabihin mo na ba agad sa kanya ang tungkol sa mga bata? Sasabihin mo na ba agad sa kanya na may mga anak kayo?" tanong ni Zyrine.
"You don't have to tell him. Galit naman siya sa'yo, 'di ba? Tutal nasaktan mo na siya noon dahil sa pag-iwan mo sa kanya, mas mabuting huwag mo na siyang balikan. Sa nakikita ko sa TV, mukha namang naka-move on na siya. He doesn't need you anymore," Zeus said. "I know you still love him but I think it's best to just move on. Nangyari na ang lahat, hindi mo na maibabalik. From now on, ako na lang ang tatayong ama ng mga anak mo."
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...