Eleven

35.8K 740 9
                                    

Chapter 11
Chance

**

Pagdating ng gabi, nagulat ako dahil nagpunta si Hero sa bahay namin nang wala na namang pasabi. But it's okay, though. Gusto rin kasi siyang kausapin ni Daddy.

At iyon nga ang nangyari. Bago kami mag-dinner, hiniling muna ni Daddy na kausapin si Hero. Muntik pa nga akong matawa nang makita ko ang mukha ni Hero. Mukha siyang batang may ginawang masama at natatakot na mapagalitan ng magulang. Akala siguro niya ay pagagalitan siya ni Daddy.

I know my father won't do that. Siguro may mga sasabihin lang siya kay Hero pero hindi siya magagalit. Alam naman na kasi niyang desisyon ko ang pagtulong kay Hero. Pwede siguro siyang magalit kung hindi ako nagpaliwanag kay Daddy kanina pero nagawa ko na iyon bago pa man siya dumating.

Habang nag-uusap sila ni Daddy sa labas, tinulungan ko naman si Mommy sa paghahanda ng dinner namin. Nandito rin ang dalawang katulong namin pero busy sila sa ibang gawain na iniutos ni Mommy.

They didn't know the truth about Hero courting me. Hindi na sinabi ng kahit sino sa amin dahil baka kumalat lang sa labas. Pinagsabihan na rin sila ni Mommy na huwag na huwag ipagsasabi kahit kanino na ako ang nililigawan ni Hero. Kahit sa mga kamag-anak nila ay hindi pwedeng ipagsabi. Baka kasi isang araw ay magulat na lang kami sa dami ng tao sa labas kapag nalaman ng mga tao na ako ang nililigawan ni Hero.

Mabuti na lang ay mapagkakatiwalaan naman ang mga katulong namin kaya kampante kaming wala silang pagsasabihan ng tungkol doon.

Mga ilang sandali lang ay pumasok na sina Hero at Daddy. Tiningnan ko si Hero at pansin kong mukhang okay naman siya. I just shrugged and decided to call Andrea down. Busy yata siya sa paggawa ng project sa kwarto niya.

Nahihiyang tumabi sa akin si Hero sa hapagkainan. Ilang beses na siyang kumain dito sa amin pero nahihiya pa rin siya. Dahil wala pa naman si Andrea at mukhang nagpalit pa ng damit si Daddy ay naisip kong tanungin muna si Hero tungkol sa napag-usapan nila ni Daddy.

I leaned a little closer to him and whisper. "What did my Dad tell you?"

"Nothing much. Akala ko nga pagagalitan ako ng Daddy mo, eh. He just told me to make sure that nothing bad will ever happen to you. He told me not to involve you in other issues about me."

"Anong sinagot mo?"

He shrugged. "I'm not gonna let that happen. At kung sakali mang may mangyari, hindi naman kita pababayaan. Akong bahala sa'yo."

Napatango-tango na lang ako sa sinabi niya. Yeah, right. Siya ang bahala, ako ang kawawa. Joke! Kahit papaano naman ay may tiwala ako kay Hero. He doesn't look like the type who'll leave you to solve any kind of issues.

Maya-maya lang ay bumaba na si Andrea. Mukhang nagulat pa siya nang makita si Hero pero napangiti rin.

"Hi, Kuya Hero. Nandito ka pala. Kanina ka pa ba nandito?" tanong niya kay Hero habang umuupo sa harap nito.

"Kinda."

"Ah," sabi ni Andrea saka napatango-tango. Nagtaas ako ng isang kilay nang samaan niya ako ng tingin. "Bakit hindi mo sinabing nandito siya?"

"Busy ka kasi sa project mo at ayoko namang istorbohin ka. Sabi mo rin kanina, huwag kang istorbohin dahil deadline na ninyo no'n sa Monday," sagot ko. Umirap na lang siya sa sinabi ko.

Mga ilang sandali lang ay sabay-sabay na kaming kumakain. Pagkatapos naming kumain ay hinayaan na kami ni Mommy at Daddy na mag-usap ni Hero. Si Andrea naman ay bumalik na sa kwarto niya para ituloy ang paggawa sa project niya. Gusto pa sana niyang makipagkwentuhan kay Hero pero masyado naman siyang busy.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon