Chapter 40
Leave**
"Are you really sure about this, anak?" tanong sa akin ni Mommy matapos kong ipaliwanag sa kanila ang gusto kong gawin.
Two days after the party, ngayon ko lang naisipang pumunta sa bahay ng mga magulang ko para humingi ng tulong sa kanila. Maaaring hindi nila maintindihan ang desisyon ko pero alam kong magagawa rin nila akong maintindihan sa ibang araw.
"I'm sure about this, Mom. And I really need your help," I replied.
"Ate, you're going to leave Kuya Hero?" malungkot na tanong ni Andrea. "Mahal mo naman siya, 'di ba? Bakit mo siya iiwan?"
Tumingin ako sa kapatid ko. Halata ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam ko kung gaano kahalaga sa kanya si Hero. Itinuring na rin niya itong kapatid kaya alam kong nalulungkot siya dahil sa desisyon kong iwanan siya. I know she won't understand it right now but I know she will eventually.
"Of course, I love him. Ayoko rin talagang gawin ito pero kailangan. Pansamantala lang naman ito, eh. Babalik din ako kapag okay na lahat, kapag okay na siya," sagot ko.
"Ate, hindi ko maintindihan," aniya. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya pagkasabi niya no'n. Parang gusto ko na rin tuloy umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Hindi mo pa maiintindihan ngayon pero alam kong darating ang panahon at maiintindihan mo rin lahat. Kailangan ko itong gawin hindi para sa sarili ko, Andrea. I need to do this for Hero."
"What about Kuya Hero? Maiintindihan ka ba niya?"
Hindi agad ako nakasagot. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung maiintindihan ba niya ang desisyon ko o hindi. Hindi lang naman dahil sa desisyon niya na mag-quit sa pagkanta kaya ko siya iiwan. I want him to think, too. Gusto kong pag-isipan niya lahat ng bagay. Ayokong magpadalos-dalos siya ng desisyon. Gusto kong pag-isipan niya ring mabuti kung ano ba talaga ang gusto niya. At alam kong hindi niya magagawa iyon kapag nandiyan ako. Kapag nandiyan ako, siguradong mas iisipin niya ako kaysa sa sarili niya.
I don't want that. I don't want him to neglect himself because of me. Ayokong mag-focus siya sa akin at sa bubuuin naming pamilya. Gusto kong mag-focus din siya sa pangarap niya at sa kung anong gusto niya.
Dahil alam ko... alam na alam ko kung gaano niya kagustong ipagpatuloy ang pagkanta. Kitang-kita ko iyon sa mga mata niya.
Tipid akong ngumiti. "He will, eventually. May tiwala ako kay Hero. Alam kong maiintindihan niya rin ako pagdating ng tamang panahon."
Napabuntong-hininga si Daddy. Napatingin ako sa kanya.
"Very well. Kung iyan ang gusto mo, pinapayagan kita. Ako na ang bahala sa lahat. Sabihin mo lang sa amin kung kailan mo balak umalis," aniya.
"Bukas na po sana, Dad. Alam ko pong masyadong mabilis pero mas okay na po iyon. Natatakot po kasi akong baka bigla na lang magbago ang isip ko kapag pinatagal ko pa," sagot ko. "Bago po ako umuwi sa condo ni Hero, pupuntahan ko po muna ang mga kaibigan ko para ipaalam sa kanila ang plano ko."
"Kung ganoon, ibibigay ko na sa'yo ang kailangan mo bago ka umalis para maasikaso mo na ang lahat ng dapat mong asikasuhin."
"Anak, hindi mo ba talaga sasabihin sa amin kung saan ka pupunta?" tanong ni Mommy.
Umiling ako. "Sorry po pero hindi ko po pwedeng sabihin. Nag-iingat lang po ako. Ayoko pong malaman ni Hero kung nasaan ako dahil alam kong pupuntahan niya ako agad."
"Hindi naman namin ipapaalam sa kanya, eh."
Ngumiti lang ako ng tipid. I know my Mom. Madaldal siya kaya alam kong hindi imposibleng masabi niya kay Hero kung nasaan ako. Hindi man niya sabihin, maaaring madulas naman siya sa pagsabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...