Chapter 26
Sick**
Kanina pa hindi maalis ang ngiti sa mukha ni Hero mula nang umalis kami sa venue. Kasalukuyan siyang nagda-drive ngayon pauwi para ihatid ako sa amin.
Hindi ko naman maiwasang mapakunot-noo sa tuwing lumilingon siya sa akin pagkatapos ay saka siya ngingiti. Hindi ko tuloy alam kung masaya lang ba siya dahil sinagot ko na siya o may nakakatawa lang talaga sa akin kaya siya ganyan.
O baka naman kinikilig lang siya kaya ganoon? Ang cute niyang kiligin, ha? Pati ako kinikilig dahil sa ngiti niya. Kaya lang, nakaka-distract din kasi na palingon-lingon siya sa akin habang nagda-drive siya.
Balak ko sanang magsalita na para patigilin na siya sa paglingon-lingon niya sa akin pero bago ko pa man iyon magawa ay parehas kaming natigilan dahil sa pagtunog ng tiyan ko.
Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Shucks naman! Bakit ngayon pa? Naalala kong hindi pa nga pala kami nagdi-dinner at mukhang ngayon niya lang din iyon naalala nang tumikhim siya para magsalita.
"I'm sorry. Hindi pa nga pala tayo nagdi-dinner. Should we have dinner first before going home?" he asked.
Napanguso ako. "May bukas pa bang kainan nang ganitong oras?"
Napatingin siya sa orasan na nasa dashboard. Alas dos na ng madaling-araw. Twelve midnight na rin kasi natapos ang concert kanina. Kung mayroon mang bukas na kakainan ngayon ay iyong mga 24 hours fast food chain. Hindi ko lang alam kung saan.
"Drive thru na lang tayo?" tanong niya. Tumango ako at agad naman niyang binuksan ang GPS niya. Siguro maghahanap siya ng malapit na kainan.
Mga ilang sandali lang ay nakarating na nga kami sa isang malapit na Jollibee. He asked me what I want before ordering. Lalaki ang nagbabantay at mukhang nagulat pa ito nang makita si Hero. Fanboy yata siya ni Hero dahil parang bigla siyang nataranta sa pagtatanong ng orders namin.
Pagkatapos niyang um-order ay dinala niya ako sa isang malapit na park. Maliwanag naman sa park na iyon kaya ligtas naman. May mga kaunting tao pero mukhang may mga kanya-kanya silang ginagawa. Hindi na kami bumaba ng sasakyan dahil baka may makakilala pa kay Hero. Isa pa, mas okay kung dito na lang kami sa loob kakain. Binuksan na lang niya ang mga bintana para kahit papaano ay may hanging pumasok.
We were silently eating our food when he suddenly opened a topic.
"By the way, okay lang ba na late kang umuwi ngayon? May trabaho ka bukas, 'di ba?" tanong niya.
Tumango ako. "Okay lang dahil nagpaalam naman ako kina Mommy. Sanay na silang madaling-araw akong umuuwi kapag may concert akong pinupuntahan. Bukas naman, wala akong pasok. Nag-file ako ng leave for two days kaya okay lang."
"Okay lang sa manager mo na mag-leave ka? 'Di ba nag-file ka rin ng leave noong nag-outing tayo?"
"Yeah. Pumayag siya kasi anak ako ng may-ari at okay lang naman kay Daddy. I know I shouldn't use the privilege of being the owner's daughter but I just can't help it. Bago naman ako mag-file ng leave, nagpapaalam naman ako kay Daddy. Pumapayag naman siya saka hindi naman bayad ang mga leave ko. Besides, paminsan-minsan lang naman ako nagle-leave. Nagkataon lang na medyo nagkalapit ang outing natin noong nakaraan pati na rin ang concert ngayon kaya magkasunod din ang leave ko."
Napatango-tango siya habang kumakain. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain ko pero maya-maya ay nagsalita ulit siya.
"Kung ganoon, pupunta ako sa inyo bukas," aniya na ipinagtaka ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Why? Wala ka bang schedule bukas?"
Umiling siya. "Wala. Bukas ako pupunta kasi gusto kong kasama mo ako sa pagsabi sa parents mo na tayo na."
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...