Chapter 14
Beauty and the Beast**
Mukha akong multo.
Iyon agad ang unang pumasok sa isip ko pagtingin ko sa salamin ng banyo ko. I have dark circles under my eyes. Halatang puyat na puyat ako noong nagdaang gabi.
Nahirapan akong makatulog kagabi pagkatapos kong mabasa ang mga tweets ni Hero sa Twitter niya. Alam ko namang hindi totoo lahat ng sinabi niya roon pero hindi talaga iyon naalis sa isip ko kagabi. Paulit-ulit iyong nagre-replay sa utak ko kaya hindi ko nagawang makatulog agad. Alas tres ng madaling-araw na yata ako nakatulog dahil sa kakaisip doon. At ngayon, kailangan ko pang gumising ng maaga para pumasok sa trabaho.
Pero kahit papaano, nagpapasalamat ako dahil sinabi iyon ni Hero sa mga fans niya kagabi. Nang basahin ko ang mga replies doon ng mga fans niya, wala naman akong nakitang kahit na anong negative tungkol sa akin. They said they'll support him. Siguro kung may negative man doon, mga galing lang sa haters ni Hero. Pero wala naman akong nabasang ganoon kagabi. Siguro tulog na ang mga haters niya o baka hindi ko lang talaga nakita ang mga replies nila.
Huminga ako nang malalim bago nagpasyang maligo na para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Speaking of trabaho, ano kayang mangyayari mamaya? Paano kung may mga makakilala sa akin? Wala naman sigurong mangyayaring masama, 'di ba? Kinakabahan ako. Wala naman sana.
I shook my head and tried to erase all the negative thoughts away. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nag-ayos. Nang matapos ako ay saka ko kinuha ang cellphone ko. Napakunot-noo ako nang makitang may text doon galing kina Eunice, Sapphire, Aries at Hero. I opened Hero's message first.
From: Hero
Good morning.Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napangiti nang mabasa ko ang text niya. Jusko! Simpleng bati lang naman niya iyon pero grabe na akong makangiti!
Tumikhim ako at nag-reply sa kanya.
To: Hero
Good morning din.Ayan! Okay na iyan. Para simple lang din. Binasa ko naman ang text ng mga kaibigan ko.
From: Eunice
I heard the news. How are you?From: Sapphire
Sis! Famous ka na! Pa-cheeseburger ka naman! Kidding! Pero seryoso, okay ka lang? Sabihin mo sa akin kapag inaway ka ng mga fans ni Hero, ha? Isusumbong natin silang lahat kay Hero! Teka, ipakilala mo muna pala kami ni Eunice sa kanya para mas madaling magsumbong.Napa-facepalm ako nang mabasa ko ang text ni Saff. Akala ko pa naman, siya ang magtatanggol sa akin. Pero magsusumbong lang din naman pala siya kay Hero. Huwag ko kayang ipakilala 'tong babaeng ito kay Hero? Isumbong ko siya kay Joseff, eh.
Nag-reply na lang ako sa mga texts nila sa akin bago ko binasa ang text ni Aries.
To: Eunice
I'm fine. Wala pa naman akong nare-receive na death threats. By the way, I deactivated my accounts except my Instagram. I already added you on Facebook and followed you on Twitter.To: Sapphire
I'm fine, Saff. Sasabihan na lang kita kapag may mga death threats na. Salamat sa concern kahit na parang mas gusto mo pang makilala si Hero kaysa ang damayan ako.From: Aries
I saw Hero's tweets. Ang haba talaga ng hair mo, Ate girl! Too bad, hindi naman totoong love ka niya.Grabe. Grabe talaga manira ng mood itong si Aries, eh. Kailangan ba talaga niyang sabihin iyon? Alam ko namang hindi totoo iyon. Aware naman ako roon. Hindi na niya kailangang sabihin sa akin. Masyado siyang nakakasira ng mood.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...