Chapter 47
Anything**
Nagising ako dahil sa pag-iyak ng dalawang sanggol. Napakunot-noo ako at bahagyang gumalaw. Habang nakapikit pa rin ay tinapik-tapik ko ang braso ni Hero na kasalukuyang nakapulupot sa akin sa mga oras na ito. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya.
"Hero, 'yong kambal..."
"Hmm? Ikaw na. Baka gutom na sila," sagot niya gamit ang inaantok niyang boses.
Marahan kong idinilat ang mga mata ko saka ko siya tiningnan. He's still sleeping. Ako rin naman, inaantok pa pero kailangan na naming tumayo dahil gising na ang kambal. Kasi naman, isang beses lang dapat namin gagawin ang bagay na iyon kagabi kaso, dalawang beses pa siyang humirit. Hindi ko na nga alam kung anong oras kami nakatulog. Siguro mag-uumaga na rin.
Kaya ngayon, parehas kaming inaantok pa. Masakit pa nga ang katawan ko dahil sa ginawa niya sa akin kagabi.
"Hero, dalawa sila, eh," sabi ko habang pinipilit siyang gisingin. Iminulat naman niya ang mga mata niya saka siya tumingin sa akin. Napanguso ako.
Bigla naman niya akong binigyan ng isang mabilis na halik sa labi bago nag-inat. Bumangon siya habang ako naman ay nanatili lang na nakahiga. Hawak-hawak ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Naka-boxer shorts naman siya kaya okay lang.
"Magbihis ka na. Sunod ka na lang sa loob," aniya bago tumayo. Tumango na lang ako habang siya naman ay nagsusuot ng t-shirt. Nang matapos siya ay dumiretso na siya sa kwarto.
Mabilis naman akong nagbihis. Inayos ko na rin ang kutson at kumot na ginamit namin. Pagkatapos no'n ay pumasok na ako sa kwarto.
Kalmado na ang kambal nang pumasok ako. Nakasubo na kasi sa kanila ang pacifier nila kaya nanahimik na sila. Si Hero naman ay nakahiga sa tabi nila habang nakapikit. Mukhang inaantok pa talaga siya. Lumapit ako sa kama saka ko hinalikan sa noo ang kambal. Ganoon din ang ginawa ko kay Hero. Bigla naman niyang idinilat ang mga mata niya dahil sa ginawa ko.
"Are you still sleepy?" I asked.
Tumango siya. "Ikaw kasi, hindi mo ako pinatulog kagabi."
"Wow, ah! Ako pa talaga?" nakataas ang kilay na sabi ko. Napangisi naman siya.
"Do you want me to cook breakfast?" he asked.
Umiling ako. "Ako na. Bantayan mo na lang sila, okay?"
Tumango siya kaya tumayo na ako para pumunta sa kusina. Bago ako lumabas ng kwarto ay sinulyapan ko muna saglit ang kambal. Pagkatapos no'n ay pumunta na ako sa kusina para magluto.
Habang nagluluto ako ng breakfast ay nagulat ako nang biglang nagpunta roon si Hero habang buhat-buhat si Jude.
"Dito na lang kami habang naghihintay," aniya habang pinapaupo si Jude sa high chair nito. Pagkatapos no'n ay bumalik siya sa kwarto. Si Jace naman ang pinaupo niya sa high chair.
Napailing-iling na lang ako saka nagpatuloy sa pagluluto. Malapit na rin namang matapos ang niluluto ko. Naiayos ko na rin naman ang pagkain ng kambal at naroon na iyon sa mesa.
Muntik pa akong mapatili nang bigla kong maramdaman si Hero sa likod ko. Ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko para yakapin ako sa likod. Ipinatong pa niya ang baba niya sa balikat ko.
"Hero, nagluluto pa ako," suway ko sa kanya kahit na sa totoo lang ay hindi ko mapigilang kiligin dahil sa ginagawa niya. I missed this. Masaya talaga ako na okay na kami ngayon.
"Just continue what you're doing. Dito lang ako. I'll watch you cook," he said before kissing my cheek.
Natawa na lang ako sa gusto niya at napailing. Hinayaan ko na lang siya dahil gusto ko rin naman ang ginagawa niya. Nagpatuloy na ako sa pagluluto at mga ilang sandali lang ay natapos na rin ako.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...