Chapter 21
Birthday**
Kinabukasan ay after lunch na namin naisipang umuwi. Lahat kami ay umuwi sa subdivision namin. Mukhang magpapalipas yata ng gabi sina Saff at Eunice kasama ang kani-kanilang pamilya sa mga magulang nila na kapitbahay lang namin.
Matapos naming makapagpaalam sa isa't isa ay umuwi na muna sila sa bahay ng mga magulang nila. Pumasok na rin si Andrea sa loob ng bahay matapos makapagpaalam kay Hero. Pag-alis niya ay naiwan naman kami ni Hero sa labas ng bahay.
"Thank you for inviting me to join you and your friends. Sobra akong nag-enjoy. Masarap kayong kasama," aniya.
Ngumiti ako. "Salamat din sa pagsama mo sa amin. Next time, sama ka ulit. Mahilig mag-organize ng outing sina Saff kaya siguradong mayroon ulit next time."
"Yeah, sure," sagot niya. "So, I'll go ahead."
Tumango ako at kumaway sa kanya. "Sige. Ingat ka. Text me when you get home."
"Yep. See you," aniya bago tumalikod para umalis. Pero hindi pa man siya masyadong nakakalayo ay bumalik ulit siya sa pwesto ko. Napakunot-noo ako. "Why? May nakalimutan ka ba?"
"Um... are you busy tomorrow?" he asked.
Bukas? Saglit akong nag-isip.
"It's Monday tomorrow so I think I'll be in the coffee shop. Three days lang ang leave na hiningi ko, eh. Why?" I asked.
Yayayain na naman ba niya akong lumabas? Hindi ba siya busy? Wala kaya siyang schedule bukas?
Umiling siya at ngumiti ng tipid. Pakiramdam ko ay may sasabihin pa talaga siya pero mukhang naghe-hesitate siya.
"Wala. I'm just asking. Sige, aalis na ako. I'll just call you later," he said.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at bigla niya akong hinila palapit sa kanya. He kissed me on my forehead. Pagkatapos no'n ay ngumiti siya at saka umalis.
Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat ko sa ginawa niya. Hinayaan ko lang ang sarili kong panoorin siyang umalis. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay saka ko lang naisip na pumasok na sa loob ng bahay.
Napabuntong-hininga ako. Dapat siguro sanayin ko na ang sarili ko sa mga bagay na ginagawa sa akin ni Hero. Hindi kasi ako sanay na may gumagawa sa akin ng ganoon dahil ni minsan, wala pa naman talagang gumawa no'n sa akin na ibang lalaki maliban kay Daddy. At siyempre, iba naman 'yong kay Daddy.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nagtaka ako nang makita si Andrea na mabilis na bumababa ng hagdan. May hawak siyang isang maliit na box na mukhang regalo dahil sa balot nito.
"Ate, nakaalis na ba si Kuya Hero?" hinihingal niyang tanong.
"Oo. Bakit?" kunot-noong tanong ko. Tiningnan ko ang hawak niyang regalo. "Ano iyan? Para kanino?"
"Nakalimutan kong ibigay ito kay Kuya Hero, eh. Bukas na kasi ang birthday niya," sagot niya na ikinagulat ko. Birthday na ni Hero bukas? Paano naman niya nalaman?
Ah. Oo nga pala. Fan nga pala siya ni Hero. Bakit ko ba nakalimutan?
Pero teka. Birthday ni Hero bukas? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Wait a minute. Kaya ba niya tinatanong kanina kung busy ako bukas? Is he really planning to go out with me? I suddenly remembered I told him that I have work tomorrow.
I felt my heart flutter when I realized that he must've wanted to spend his birthday with me. He should've said so. Pwede naman akong mag-extend ng leave hanggang bukas kung talagang gusto niya akong makasama sa birthday niya. Pero mukhang nahiya yata siyang yayain ako nang sabihin kong may trabaho ako bukas.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...