Fifteen

35.5K 1K 176
                                    

Featured song: Beauty and the Beast – Ariana Grande, John Legend

"Barely even friends, then somebody bends unexpectedly..."

**

Chapter 15
Movie

**

Hero brought me to the mall. Pansin ko ang pagtingin sa kanya ng mga tao habang naglalakad kami. Some of them are taking a picture of him... or us. Ang iba ay mukha pang kinikilig habang nakatingin sa kanya. Ang iba ay gustong lumapit pero mukhang nahihiya. Mabuti na lang at weekday ngayon kaya walang masyadong tao.

But not all of them are shy to approach us. I saw three girls smiling while approaching us. Pero bago pa man sila makalapit ay natigilan sila. Well, natigilan din ako at nagulat dahil biglang hinawakan ni Hero ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

He didn't say anything. He just smiled at me. And there's only one thing that popped in my mind. Mamamatay ako sa ngiti ng lalaking ito.

I almost gasp when he intertwined our hands. But I do hear a gasp. Well, gasps. Nakarinig pa ako ng mga nagbubulungan.

"Girls, abort mission. They're probably on a date. Nakakahiyang istorbohin sila."

"Oo nga. Let's stalk them na lang?"

"No. Baka magalit sa atin si Hero. Baka they'll feel awkward."

Pagkatapos no'n ay nawala na ang bulungan. Nag-angat ako ng tingin kay Hero nang hilahin niya ng bahagya ang kamay ko para kunin ang atensyon ko.

"See? I told you there's nothing to worry about. They think we're on a date," he said then he cleared his throat. "Saka para na rin makasigurong walang manggugulo sa atin, nag-post ako sa Twitter account ko."

Napakunot-noo ako. "Post? Anong pinost mo?"

"I ask them not to disturb us if they see us together outside. Siguro hindi pa lang nababasa ng iba."

"Oh," tanging nasabi ko. Napatango-tango na lang ako. "Okay. So, what are we going to do today?"

Ngumiti na naman siya. God, why did you make him like this? Bakit kailangang nakamamatay ang ngiti niya? At nakakainis dahil ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya. Yes, dimples! Dalawa, eh. Ngayon ko lang kasi siya natitigan nang matagal habang nakangiti siya.

"Let's watch that movie you wanted to watch," he said.

Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya iyon. Sumilay rin ang malawak na ngiti sa labi ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad ko na siyang hinila papunta sa sinehan.

"OMG! Tara na! I'm so excited," I said. He just chuckled at my reaction.

Pagdating namin sa sinehan ay pumila na agad kami sa bilihan ng movie tickets. Pinilit niya akong siya na ang magbabayad ng tickets namin pero hindi ako pumayag. At dahil mapilit siya, napagkasunduan naming siya na lang ang bibili ng movie tickets at ako na sa pagkain namin.

Dahil mga ilang araw na rin namang showing ang Beauty and the Beast, kaunti na lang ang mga taong nanonood ngayon. Besides, it's a weekday. Kaunti lang talaga ang tao ngayon. Nakahanap naman kami ng magandang pwesto sa gitna sa bandaang taas.

Nag-uumpisa pa lang ang movie ay hindi na ako mapakali. My gosh! I love Disney movies, especially the old Disney movies. Sana lang hindi ako ma-disappoint sa remake nito.

At hindi naman ako na-disappoint. The movie is so beautiful! Hindi maalis ang ngiti ko pagkatapos naming manood ng movie. I am even singing the theme song in my mind!

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon