Chapter 3
Love**
Kasalukuyan akong nasa kotse ko ngayon at kanina pa hindi mapakali. Kanina pa hindi maalis sa isip ko ang paghalik na ginawa sa akin ni Hero sa pisngi.
Why did he do that? Bakit niya ako hinalikan sa pisngi? Anong ibig sabihin no'n? May gusto ba siya sa akin?
Wow naman, Bree! Napaka-assumera mong bruha ka!
Hindi, eh. Imposible namang may gusto siya sa akin. Kakakilala pa lang naman namin kanina tapos gusto na niya ako? Maliban pa roon, isa lang akong patatas. Malayong magkagusto siya sa isang tulad ko. Alam kong maganda ako pero ang taas-taas niya. He's a well-known singer! Ang bagay sa kanya, iyong mga magaganda at sexy-ng artista o singer na tulad niya.
Teka nga. Ano bang pinaglalaban ko? At bakit ba doon napunta ang utak ko? Ang dapat na iniisip ko ngayon, bakit niya ginawa iyon? Bakit niya ako hinalikan sa pisngi?
Ugh! Ayoko nang mag-isip! Siguro ginawa niya iyon kasi akala niya, fan niya ako. 'Di ba ganoon naman kadalasan ang ginagawa ng mga artista sa mga fans nila? Para matuwa 'yong fan, hinahalikan nila sa pisngi. Minsan nga niyayakap pa nila.
Tss! Akala ba niya natuwa ako? Ano lang... slight.
Nagulat ako nang makarinig ng sunod-sunod na tunog ng busina. Shit! Naka-green light na pala! Si Hero kasi, eh! Kasalanan niya 'to!
Pagdating ko sa bahay, hindi ko pa man napapatay ang makina ng kotse ko ay nakita kong sinasalubong na ako ng kapatid ko. Ang laki ng ngiti niya habang hinihintay akong bumaba. Sigurado akong makiki-tsismis lang naman ang babaeng ito.
Napakunot-noo ako. Bakit nga pala siya nandito? Hindi ba siya pumasok?
Pagbaba ko ng kotse, pinaulanan na agad niya ako ng mga tanong.
"Ano, Ate? Kumusta? Nakausap mo ba si Hero? Nasabi mo ba na gusto ko siyang makita? Kailan 'yong date niyo? Pwede ba akong sumama? Kahit taga-bantay lang?"
Hindi ko na lang pinansin ang mga tanong niya. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay habang nakasunod naman siya sa akin.
"Ate, ano na?" tanong niya pa. Napabuntong-hininga ako at napairap.
"Mamaya mo na ako tanungin, Andrea. Saka bakit nandito ka? Hindi ka ba pumasok?" tanong ko.
"Half-day lang ang klase namin dahil sa intramurals. Nga pala, Ate. Nandiyan si Ate Eunice. Medyo kanina ka pa niya hinihintay," sabi niya.
Bigla akong na-excite nang malamang nandito ang kaibigan kong si Eunice. Binilisan ko ang lakad ko papasok ng bahay at agad na dumiretso sa sala. Pagdating ko roon, naabutan ko si Eunice na nakaupo sa sofa habang pinapanood ang kanyang anak na nilalaro ang kanyang teddy bear.
"Eunice!" tawag ko sa kanya.
Napangiti siya nang lingunin ako. Mabilis akong lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi. Binalingan ko ang anak niya at binuhat ito.
"Hi, baby Natalie! Did you miss your ninang?" tanong ko sa kanya saka ko pinanggigilan ng halik ang pisngi niya. She giggled when I did that. Ang cute talaga! Ang sarap pisilin ng pisngi!
Inilapag ko na ulit siya sa tabi ni Eunice saka ako umupo sa katabing sofa.
"Oh, kumusta naman? Napadalaw kayo. Hindi niyo yata kasama si Niel," tanong ko kay Eunice.
"Heto, okay naman. Nasa trabaho si Niel. Nagpahatid lang kami sa bahay nila Mommy kanina para dalawin sila kasi gusto raw nilang makita si Natalie. Tapos ayun, naisipan kong dalawin ka na rin dahil baka nami-miss mo na ang inaanak mo. Saka na-miss din kita, Sis," nakangiti niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...