Chapter 4
Baby**
Kabado na naman akong pumunta sa GAE pagdating ng Linggo. Ngayon ang araw ang date namin ni Hero. Kahit ilang beses kong sinabi sa sarili ko na kaya ko 'to, hindi pa rin naalis no'n ang katotohanang kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari sa araw na ito.
Noong nakipagkita ako kina Saff at Eunice, pinayuhan nila ako na mag-enjoy na lang sa date namin dahil pagkakataon ko na raw ito para makipag-date ako ulit. Umaasa sila na pagkatapos nito ay magkaka-lovelife na ako... na alam kong imposibleng mangyari dahil isang araw lang naman ang date namin tapos hindi na kami magkikita kahit kailan.
Habang papunta ako sa tamang floor kung saan sinabihan ako ni Sir Kevin na pumunta, inisip ko kung paano ko ba ipapakilala si Andrea kay Hero. Of course, hindi ko pwedeng kalimutan iyon. Iyon nga ang purpose ni Andrea kaya niya ako isinali sa raffle. Kahit na ayaw ko talaga sa ginawa niya, wala na rin akong magagawa dahil heto na, makikipag-date na ako sa kanya. Mas mabuting gawan ko na rin ng paraan na magkita sila at magkakilala.
Sana lang pumayag talaga si Hero. Pero kung sakaling pumayag nga siya, hindi ko naman alam kung papayag sina Sir Kevin. Pakiramdam ko kasi strict sila pagdating kay Hero.
Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako. Lumabas na ako at dumiretso sa conference room kung saan ako makikipagkita sa kanila. Pagdating ko roon, huminga muna ako nang malalim bago kumatok.
Mga ilang sandali lang ay may nagbukas na nito. Ang nakangiting mukha ni Ate Leona ang agad na bumungad sa akin.
"Hi po," nahihiya kong bati.
"Oh, Bree, good morning! Halika, pasok ka," aniya bago niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. I smiled as I entered the room.
Inilibot ko ang tingin ko sa mga taong naroon at napansin kong nandoon na si Sir Kevin, ang dalawang organizers na makakasama namin, pati na rin si Hero na ngayon ay nakataas ang paa sa upuan habang tutok na tutok sa paglalaro sa cellphone niya. Mukhang hindi pa yata niya ako napansin.
Umupo na lang ako sa upuang katapat niya. Tiningnan ko siya.
Ang gwapo talaga niya. Nakasuot siya ng cap na baliktad ang pagkakasuot. Simpleng printed dark blue shirt, faded jeans at sneakers ang suot niya pero nag-uumapaw ang lakas ng dating niya. Nasaan ang hustisya?
Napatingin naman ako sa suot ko. Naka-black pants ako na may butas sa bandang tuhod, simpleng printed white shirt at sandals. Nagmukha akong patatas. Bakit ba pakiramdam ko magmumukha lang akong alalay niya kapag tumabi ako sa kanya? Halos parehas lang naman kami ng suot pero parang mas presentable siyang tingnan kaysa sa akin.
Oo na. Hindi ako nag-ayos. Bakit ko naman kasi paghahandaan ang date na ito? In the first place, I didn't want this. I was forced to do this for my sister.
Kaya lang, parang bigla akong nagsisi na hindi ako nag-ayos. Bakit ko ba kasi nakalimutan na artista ang lalaking ito at siguradong kayang-kaya niyang magdala ng damit? Kahit nga yata basahan ang ipasuot sa kanya ay kayang-kaya pa rin niyang dalhin.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang marinig kong tumikhim si Sir Kevin. Tumingin ako sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang ma-realize na nahuli niya akong nakatingin kay Hero. Why am I even staring at him, by the way? Ugh!
"Bree, you should go with Leona first. Siya na ang bahala sa'yo. Maya-maya ay aalis na tayo para sa date niyo ni Hero," sabi niya sa akin.
Tumango lang ako at sumunod na kay Ate Leona. Lumabas kami ng conference room at pumasok sa kabilang kwarto. Pagpasok namin ay tumambad sa akin ang napakaraming damit na nakasampay at mga sapatos na nasa isang rack. Sa isang gilid naman ay may malaking tokador na mayroong mga make-up.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...