Chapter 16
Wait**
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto. Nag-inat ako habang nakapikit. Hirap na hirap akong buksan ang mga mata ko dahil sa sobrang antok.
Hindi na naman ako nakatulog agad kagabi. Pagkatapos sabihin ni Hero sa akin kahapon na gusto niya ako, hindi na iyon nawala sa isip ko. Ilang beses kong inisip ang sinabi niya sa akin. Ilang beses kong inisip kung paano nangyaring nagustuhan niya agad ako sa loob ng maikling panahon.
It's too fast. Ilang beses pa lang naman kaming nagkita. Oo, nagkakausap kami pero hindi naman madalas. Kaya nga hindi ko talaga maintindihan kung paano nangyaring nagustuhan niya ako agad. Maiintindihan ko pa kung friends lang, eh. But he said he likes me more than that.
Hindi ko naman alam kung paano ko siya kakausapin tungkol doon. Nahihiya ako.
I shook my head and forced myself to stand. Papikit-pikit na lumapit ako sa pinto at saka ko iyon binuksan. Ibinukas ko ang isang mata ko para makita kung sino ang naroon. Nakita ko si Mommy.
"Yes, Mom?" I asked using my morning voice.
"Hindi ka pa nakaayos? Kagigising mo lang ba?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot. "Akala ko kanina ka pa gising at hindi ka lang bumababa. Anyway, nandito si Hero. May usapan daw kayo?"
Biglang nagising ang diwa ko nang marinig ko ang pangalan ni Hero. Realization suddenly hit me. Shucks! Oo nga pala! Magmo-movie marathon nga pala kami ngayon!
Tumikhim ako. "Yes, Mommy. Meron po. Nasaan po siya?"
Bago pa makasagot si Mommy ay bigla na lang nagpakita si Hero na nasa likod pala niya. Ngumiti siya at kumaway sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.
Shit! Hindi pa ako nakakapag-ayos! Hindi pa ako nakakapaghilamos at toothbrush! Tapos... tapos... tapos naka-pajama lang ako at manipis na sando. With no bra on!
Mabilis kong isinara ang pinto bago pa man niya makita nang mabuti ang itsura ko.
"Sorry, Mom, Hero! Uh... susunod na lang po ako sa baba," sigaw ko sa kanila habang nakasandal sa pinto. Napapikit ako dahil sa labis na kahihiyan.
"Oh, okay," dinig kong sabi ni Mommy. Narinig ko pa ang sinabi niya kay Hero bago sila umalis. "Pasensya ka na. Mukhang nagpuyat na naman yata siya kagabi kapapanood ng Korean drama kaya na-late siya ng gising."
Ugh! Buti nga sana kung dahil sa K-drama kaya ako napuyat, eh. Kaso hindi! Dahil kay Hero kaya ako napuyat.
I sighed. Mabilis akong pumunta sa banyo para makaligo na at makapag-ayos. Pero pagpasok ko sa loob ng banyo ay muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang itsura ko.
Gulo-gulo ang buhok ko at may muta pa ako. May nakita pa akong tuyong laway sa gilid ng labi ko. Tapos nakita ni Hero kanina na ganito ang itsura ko? Could this day get any worse? Umaga pa lang pero minamalas na ako! Ano na lang ang sasabihin niya? Sigurado akong na-turn off na siya sa akin dahil sa itsura ko. Nakakainis!
But I can't do anything about it. Wala na. Nakita na niya, eh.
Napailing na lang ako at nagpasyang maligo na lang. Kailangan ko pang bilisan dahil naghihintay si Hero sa baba. And speaking of Hero, paano ko pala siya pakikitunguhan pagkatapos ng sinabi niya sa akin kahapon? Nahihiya na tuloy akong magsalita dahil pakiramdam ko ay may masasabi akong hindi niya magugustuhan. Paano kapag nangyari iyon? Baka pagsisihan niya na nagkagusto siya sa akin.
Pero... kung ako ang tatanungin, ano bang nararamdaman ko para kay Hero? He told me he likes me. What about me? Do I feel the same way towards him? O hindi pa ako dumadating sa point na gusto ko na rin siya ng higit pa sa kaibigan?
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...