Five

39.1K 1.1K 33
                                    

Chapter 5
Sinigang

**

"Oh."

Nilingon ko si Hero at nakita kong iniaabot niya sa akin ang isang bote ng mineral water. Tinanggap ko iyon pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko.

"Thanks," sabi ko bago ko iyon binuksan at ininom. Napapikit ako nang maramdaman ang lamig ng tubig na dumaloy sa lalamunan ko. Pagkatapos kong uminom ay ibinaba ko iyon sa gilid ko at nagpatuloy sa paglanghap ng sariwang hangin sa lugar kung nasaan kami ngayon.

Halos lumabas na ang puso ko kanina dahil sa sobrang kaba nang pahuhurutin niya ang sasakyan niya para mailigaw ang van kung saan nakasakay sina Sir Kevin. Mabuti nga ay hindi siya nahuli dahil sa bilis niyang magpatakbo. At mabuti na lang hindi kami naaksidente.

Pagkatapos naming takasan ang manager at mga bodyguards ni Hero kanina ay rito niya ako dinala sa Laguna. Nasa isang mataas na burol kami na malayo sa mga kabahayan. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit ba namin sila tinakasan at kung bakit dito niya ako dinala.

Ayaw na ba niyang makipag-date kaya siya tumakas? Bakit hindi na lang niya sinabi sa manager niya? Saka kung ayaw naman pala niyang makipag-date, bakit pa siya pumayag na iyon ang grand prize sa raffle na in-organize nila?

"I know you have a lot of questions in your mind right now. You can ask me anything," I heard him say. Tumingin ako sa kanya at nagpasyang tanungin na siya ng mga bagay na gusto kong malaman.

"Bakit tayo tumakas?" tanong ko.

"Don't you think it's awkward to have a date with someone while people are watching? Kaya ako tumakas ay dahil ayoko sa napag-usapan nila. Kung makikipag-date ako, ayoko ng maraming nakabantay. Siguro naman ayaw mo rin ng ganoon, 'di ba?"

Napatango-tango ako. Tama naman siya. Akala ko talaga okay na sa kanya na may mga bodyguards kami habang nagde-date.

"Tama ka naman. Pero bakit dito mo ako dinala?" tanong ko. Tumingin siya sa harap kung saan kitang-kita ang buong Laguna.

"This is actually my safe haven. Kapag gusto kong mapag-isa at mapalayo sa mga tao, dito ako lagi pumupunta. Walang ibang nakakaalam ng lugar na ito kundi ako lang. But since we need to get away from them, I decided to bring you here. Ngayon, dalawa na tayong nakakaalam nito. Sana hindi mo rin ipagsabi sa iba," sabi niya.

"Don't worry. I won't tell anyone," I said. "But you didn't answer my question. Why did you bring me here?"

Napakamot siya sa batok. "Sa totoo lang, wala kasi akong alam na lugar kung saan makakapag-date tayo nang walang nanggugulong fan. Dito muna kita dinala para sana makapag-isip tayo ng lugar na pwede nating puntahan. May alam ka ba?"

Nag-isip ako ng lugar na pwede naming puntahan na hindi siya pagkakaguluhan. Mayroon ba no'n? Sikat siya sa buong Pilipinas. Kung gusto niya ng lugar na hindi siya makikilala, dapat doon siya sa bundok. Karamihan naman kasi ng mga nakatira sa bundok ay walang TV kaya paniguradong hindi siya makikilala roon.

Bumaling ako sa kanya.

"Wala, eh. Pero okay lang naman dito. Hindi naman ako mapili sa lugar. In fact, ngayon lang ako nakapunta rito," sagot ko. Napatango-tango siya.

"Okay, then. Let's stay here for a while," he said. "So, what do you want to talk about?"

Hindi ako nakasagot. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Sigurado akong mabo-boring lang siya sa akin. Ano nga bang dapat naming pag-usapan?

"Um... sorry, ha? I'm actually not the type of person who starts a conversation. Pasensya na talaga. I know I'm a boring person," nahihiya kong sabi. Bahagya akong napayuko. "If you want, we can cancel this date."

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon