Thirty

32.2K 819 49
                                    

Featured Song: Loving You – Super Junior K.R.Y.

"For me, it's only you more than anything else in the world. I'm here with you alone. Yes I do, I can't stop loving you..."

**

Chapter 30
Always

**

"Hero, sorry na," nakanguso kong sabi kay Hero. Pero hindi niya ako pinansin.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Hero rito sa EK. Papunta kami ngayon sa Disk O Magic dahil iyon ang balak naming sakyan. Kaya lang, pagkatapos ng nangyari kanina sa loob ng horror house, napansin ko na ang pagiging tahimik ni Hero.

Tinanong ko siya kung anong problema pero ang sabi niya ay wala. Pero kahit na sinabi niya iyon, hindi pa rin ako naniwala dahil hindi niya ako pinapansin. He's not even holding my hand anymore. Mukhang nagalit yata siya dahil sa ginawa ko kanina.

Bigla tuloy akong na-guilty. Dapat talaga hindi ko na ginawa iyon, eh. Galit tuloy siya sa akin ngayon. Ilang beses na nga akong nag-sorry pero hindi naman niya ako pinapansin.

Napasimangot na lang ako. Pakiramdam ko nga ay maiiyak na ako kasi hindi talaga niya ako pinapansin. Ngayon lang niya ginawa ito sa akin kaya hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Bakit ganoon? Nag-sorry na nga ako, eh. Pinangako ko na rin sa kanya kanina sa loob ng horror house na hindi ko na ulit iyon gagawin at hindi ko na ulit siya iiwan. Pero bakit galit pa rin siya hanggang ngayon?

Nilingon ko siya at sinubukang kausapin ulit.

"Hero? Sorry na, oh. Hindi ko na talaga uulitin. Sorry na. Patawarin mo na ako," sabi ko pero ni hindi niya man lang ako nilingon. "Hindi mo talaga ako papansinin?"

Nilingon niya ako kaya akala ko ay kakausapin na niya ako pero ibinaling lang ulit niya ang tingin niya sa harap. Napakunot-noo ako. Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang magalit sa kanya kasi hindi niya ako pinapansin pero pinipigilan ko ang sarili ko. After all, ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit siya ganito ngayon.

Napabuntong-hininga ako. Paano kami mag-e-enjoy sa next ride niyan kung ganitong galit siya sa akin? Nakakawalang-gana kapag ganoon.

Ano kaya kung lambingin ko siya? Baka kasi nagpapalambing lang siya, eh. 'Di ba ganoon naman kadalasan ang ginagawa ng mga couples kapag nag-aaway sila? Sinusubukan nilang lambingin ang isa't isa para magkabati na sila. I'll try it. Baka sakaling gumana.

Kinagat ko ang labi ko saka ako kumapit sa braso niya. Wala naman siyang kahit na anong reaksyon dahil alam kong sanay na siyang bigla-bigla akong kumakapit sa braso niya. At least kahit na galit siya sa akin ngayon, hindi niya ako pinigilan sa pagkapit sa braso niya.

Sinilip ko siya saka ako nagpaawa effect. "Hero? Baby? Baby ko, sorry na," sabi ko. Ngumuso pa ako para mas effective.

I saw him bite his lower lip. Ah, alam ko na iyan. Mukhang kaunting lambing at pagpapa-cute lang ay kakausapin na niya ako. Ipinagpatuloy ko naman ang ginagawa ko.

"Sorry na po. Promise, hindi ko na uulitin iyon. Sorry na kung tinakot kita. Huwag ka nang magalit, please. I love you. Mahal mo naman ako, 'di ba?"

Hindi siya sumagot pero napansin kong napapalunok siya. Lihim akong napangiti. Pumunta ako sa harap niya kaya napatigil siya sa paglalakad. Niyakap ko siya at tiningala dahil mas matangkad siya sa akin. Nang mapansin kong hindi siya nakatingin sa akin ay hinawakan ko ang baba niya para ibaling ang tingin niya sa akin. Nang tumingin naman siya sa akin ay napansin kong seryoso siya pero alam kong pilit iyon. He's really trying hard to look serious. But I know him. Alam kong hindi niya ako matitiis.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon