Six

41K 1K 39
                                    

Chapter 6
Friend

**

Tahimik lang ako sa buong biyahe. Wala rin naman talaga akong sasabihin sa kanya. Tulad nga ng sinabi ko, hindi ako ang tipo ng tao na nauunang magsalita. Hindi rin naman ako madaldal. Dumadaldal lang ako kapag naging close ko na talaga ang isang tao. Siyempre, nasasanay rin, eh.

Mukhang wala rin namang sasabihin si Hero kaya tahimik lang din siya. Nagsasalita lang siya kapag tinatanong niya kung saan ang daan papunta sa amin. Nagsasalita lang din ako kapag sinasagot ko siya. Pero sa kalagitnaan ng biyahe ay may naisip akong itanong.

"Hero, hindi ba magagalit si Sir Kevin dahil tumakas ka?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Umiling siya. "Hindi. He's actually the one who planned this."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

"Huh? Ibig mong sabihin, siya ang nakaisip na tumakas ka?" tanong ko. Tumango naman siya habang naka-focus pa rin ang tingin sa daan.

"Yes. Alam niyang hindi ko gusto ang napag-usapan ng management. Naiintindihan naman niya kung bakit kaya siya na mismo ang umisip ng plano kung paano tayo makakatakas," sagot niya. "The original plan is we'll ride the van with them. Pero siya na mismo ang nagsabing gamitin ko ang sarili kong sasakyan pagkatapos ay susunod sila sa atin."

"Eh, paano iyon? Hindi ba magagalit ang president niyo?"

"Siyempre, magagalit. Pero kaya na niya iyon. I do feel bad for him but I think he can handle it. Kung sakali mang magkaproblema, tatawagan naman niya ako."

Napatango-tango ako. Pagkatapos no'n ay tahimik na ulit kami sa biyahe. Mga ilang sandali lang ay nakarating na rin kami sa village kung nasaan ang bahay namin. Nang dumaan kami sa guard house ay nagulat pa ang guard na nagbabantay nang makita niya si Hero. Binalaan ko naman siya na huwag na lang maingay para hindi pagkaguluhan si Hero sa amin. Mabait naman ang guard kaya naiintindihan niya iyon.

Nang huminto kami sa tapat ng bahay namin ay sinabi kong ipasok na lang niya ang kotse niya sa loob. Mahirap na. Baka kasi may makakita sa kanya kapag lumabas siya sa sasakyan niya. Isa pa, baka kasi may nakakaalam ng plate number at itsura ng kotse niya.

Bumaba na muna ako ng kotse niya para mabuksan ko ang gate. Nang mabuksan ko ang gate ay agad niya namang ipinasok ang kotse niya at ipinarada sa garahe namin. Mabuti na lang at malaki ang garahe namin kaya nagkasya pa ang kotse niya.

Habang hinihintay ko siyang bumaba ay may bigla namang lumabas sa bahay namin.

"Oh, Ate. Bakit nandito ka na? Kumusta ang date niyo ni Hero?" tanong ni Andrea. Napalingon siya sa sasakyang nasa gilid ko at agad siyang napakunot-noo. "Kaninong sasakyan ito? Teka. Parang pamilyar ang kotseng iyan."

Bago ko pa masabi sa kanya na kay Hero ang kotse ay nakalabas na si Hero sa kotse niya. Agad namang napatingin si Andrea sa kanya. Nanlaki ang mata niya nang makita si Hero.

"Oh my gosh!" sabi niya saka napatakip ng bibig. Napatingin siya sa akin at niyugyog ako. "Ate, am I dreaming? Si Hero ba talaga 'yong nakikita ko? Ate, huwag mo akong gigisingin, ha? If this is a dream, don't ever wake me up."

Inalis ko ang mga kamay niyang nasa braso ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba? Hindi ka nananaginip, okay? Si Hero talaga iyan," sabi ko. Nanlaki na naman ang mata niya at saka siya tumingin kay Hero. Mukhang hindi naman alam ni Hero ang gagawin niya kaya ngumiti lang siya at nahihiyang kumaway kay Andrea.

"Uh, hi?" awkward na bati niya sa kapatid ko.

"OMG! Nagsasalita siya!" halos mag-hysterical na sigaw ni Andrea. Hindi ko napigilang batukan siya dahil sa sinabi niya.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon