The Neighbors Series #3
Dating an Idol
Brianna Rosales
Written by: jglaizaEpilogue
**
"Hero, saan ka pupunta? Nandiyan na 'yong fan mo sa baba. Siguradong paakyat na sila ni Kuya ngayon at siguradong parating na rin sina Sir Lucas," dinig kong sabi ni Leona sa akin nang tumayo ako.
"I know. I'll just go and buy something from the cafeteria. Mabilis lang ako," sagot ko. Bago pa man niya ako mapigilan ay lumabas na ako ng conference room.
This is the first time I'm going to meet my fan who won a date with me. This is also the first time I'm going to have a date with a fan.
I've been organizing a charity event every year and whenever I do that, I always make sure that my fans will have a reward for their kindness. Siyempre, hindi ko naman sila mabibigyan lahat kaya nag-iisip ako ng iba't ibang pwede nilang mapanalunan every year. Apat na fans lang ang pwedeng manalo. One fan will win the grand prize while the other three will win some consolation prizes.
This year, the grand prize is a date with me. And this is the day I'm going to meet the lucky girl who won that date. I am curious, of course. Curious ako kung anong klaseng babae siya, kung anong itsura niya. Pero kahit ano pa iyan, ang mahalaga sa akin ay ang mapasaya ko siya sa araw ng date namin.
I love all my fans no matter what they looked like. They're the people behind my success. Kung hindi dahil sa suporta nila, wala sana ako rito ngayon.
Pumasok na ako sa elevator para makababa papunta sa cafeteria. Pero bago pa man sumara ang pinto, nakita ko si Kevin na dumaan. Of course, he didn't see me. But I saw him... and the girl following him.
Fuck. Parang ayoko nang bumaba. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko na siyang makita... ngayon na.
So, I did. Pagbaba ng elevator sa floor kung nasaan ang cafeteria, hindi na ako lumabas. Agad kong pinindot ang button papuntang sixth floor. Pagdating doon ay halos tumakbo na ako papuntang conference room. Nang nasa harap na ako ng pinto, inayos ko muna ang buhok ko at saka huminga nang malalim bago iyon binuksan. As soon as I opened it, I scanned the room to find her.
And when our eyes met, my whole world suddenly stopped. I just felt my heart beating so fast.
I was stunned. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. God, she's beautiful! May sinasabi si Kevin pero hindi ko maintindihan dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko. Nang tawagin niya ako ay saka lang ako biglang natauhan.
"Hero, I'd like you to meet Ms. Brianna Rosales. She's your fan who won the raffle," he said.
Napakurap ako at napatingin ulit sa kanya. Lihim akong napangiti nang makita kong mukhang natulala rin siya tulad ko. Well, maybe because this is the first time he saw me in person. Maybe she was stunned because I'm here in front of her.
Natauhan lang siya nang tawagin siya ni Kevin. "Bree, of course you know Hero," he said.
I smiled at her when she looked at me.
"Hi, Brianna. I can call you that, right?" I asked. Tumango lang siya. Mas lalo akong napangiti dahil mukhang wala pa rin talaga siya sa sarili niya. Sa isip ko, gusto kong sa akin lang siya maging ganyan. Gusto ko, sa akin lang siya matutulala ng ganyan.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...