Chapter 2
Tibok**
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
Ah! Ayoko na! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinakabahan talaga ako. Gusto ko nang umuwi.
Nandito ako sa labas ng Grand Artists Entertainment. Kanina pa ako nakatayo rito sa labas at kanina ko pa iniisip kung dapat na ba akong pumasok o hindi. Well, sa totoo lang, dapat na talaga akong pumasok dahil malapit nang mag-alas diyes ng umaga!
Naku talaga! Kung pwede lang, hindi na ako sisipot, eh. Kaso tama naman si Daddy. Nakakahiya kung hindi ako sisipot. Kapag nalaman pa ng mga fans ni Hero, baka sugurin nila ako. Baka sabihin nilang sinasayang ko ang pagkakataong ito na maka-date siya. Baka sabihin nilang choosy ako. Ako na nga ang makikipag-date sa isang artista pero ako pa itong may ganang tumanggi.
Hindi ko naman kasi idol iyon, eh! Kasalanan talaga ito ni Andrea!
Huminga ako nang malalim at nagpasyang pumasok na sa loob. Nandito na ako kaya wala nang atrasan ito. Kahit na kinakabahan ako, kailangan ko pa ring tumuloy. Kasi naman, hindi ako sanay ng walang kasama. Oo, kaya kong lumabas at mamasyal mag-isa pero takot akong mag-isang gumawa ng isang bagay lalo na ang makipag-usap sa mga hindi ko kilala. Gusto ko talaga may kasama ako.
Pero anong magagawa ko? Kailangan kong lakasan ang loob ko para kausapin sila. Mahiyain kasi talaga ako at mahina pagdating sa pakikipag-usap nang mag-isa. Kailangan ko pa talagang palakasin ang loob ko kahit na kinakabahan ako.
Naglakad na ako papasok ng GAE. Dumiretso ako sa receptionist na naroon. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin nang makita ako.
"Yes, Ma'am? What can I do for you?" she asked.
"Uh, can I talk to Mr. Kevin Miranda?"
"Do you have an appointment, Ma'am?"
Umiling ako. "Wala, eh. Kailangan ba? Wala naman kasing sinabi sa akin. Pero ang alam ko, ine-expect niya ako ngayon. Ay teka! May text sa akin kahapon, eh."
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na hinanap ang text sa akin ng GAE kahapon. Ipinakita ko iyon sa kanya na agad naman niyang binasa.
"Ah! Ikaw ba 'yong nanalo sa raffle? 'Yong date with Hero Valiente?" tanong niya matapos mabasa ang message.
"Oo. Ako nga."
"May I see your ID, Ma'am?"
Agad ko namang inilabas ang ID ko at ipinakita sa kanya. Iniabot na rin niya ang cellphone ko sa akin. Habang hawak ang ID ko, may tinawagan naman siya gamit ang telepono sa isang gilid.
Inilibot ko muna ang tingin ko habang hinihintay siyang matapos sa pakikipag-usap sa kung sino. Grabe! Ang laki pala talaga ng agency na ito. Hindi ko maiwasang mamangha sa tuwing may nakikita akong artista. Nakita ko pa ang isa sa mga paborito kong actress dito sa Pilipinas. And shucks! Ang ganda-ganda niya!
Nabalik ang tingin ko sa receptionist nang lumapit siya.
"Please wait for a while, Ma'am. Bababa na rin si Sir Kevin. Mag-log-in na lang po muna kayo," sabi niya saka iniabot sa akin ang logbook.
Tumango ako at nag-fill-up doon. Kinuha naman niya ang ID ko at binigyan ako ng number. Mamaya ko na siguro iyon makukuha bago ako umalis.
Maya-maya lang ay may lumapit sa aking isang lalaki. Medyo matured na ang itsura niya pero ang gwapo pa rin nito. Matangkad siya sa akin dahil pansin kong hanggang baba niya lang ang itaas ng ulo ko. Ngumiti siya nang tuluyan na siyang makalapit. Naglahad pa siya ng kamay.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...