Eighteen

33.4K 943 48
                                    

Chapter 18
Oras

**

My friends spent their day in our house. Medyo magulo dahil sa mga bata pero naglalaro lang naman sila kaya kahit papaano ay nakakapagkwentuhan kami. Kaya pala sila nagpunta sa bahay namin ay hindi lang para bisitahin ako kundi pati na rin para yayain ako sa pinaplano nilang outing.

Nagdadalawang-isip kasi sila kung itutuloy nila ang outing o hindi dahil tingin nila ay hindi ako sasama. I know what they're thinking. Iniisip siguro nila na dahil mag-isa lang ako ay hindi ko gugustuhing sumama. But they're wrong. Kahit na mag-isa lang ako, sasama ako.

I love my friends. I love being with them. And I also love their children. Kahit papaano naman ay kasundo ko sina Joseff at Niel kaya alam kong hindi dapat ako mahiya sa kanila. Besides, I can take Andrea with me. Knowing my sister, she will always say yes to outing.

"Don't worry about me. I'll go with you, guys. Isasama ko na lang si Andrea. Okay lang naman, 'di ba?" tanong ko sa kanila.

"Of course. Your sister can join us, Bree," sagot ni Eunice. Tumango ako.

"Hero can also come with us if you want," sabi ni Niel na ikinagulat ko. Napapalakpak naman si Saff nang marinig ang sinabi ni Niel.

"Oo nga. Bakit hindi mo isama si Hero?" aniya bago bumaling kay Hero. "Do you want to come with us?"

Lahat kami ay bumaling kay Hero. Hinaplos niya ang batok niya habang nag-iisip.

"Honestly, I want to go but I don't know if it will fit my schedule. Kailan niyo ba balak?" tanong niya. Tumingin ako kina Saff at Eunice para maghintay ng sagot.

"Kailan nga ba iyon, hon?" tanong ni Saff kay Joseff.

"It's next week, from Friday to Sunday. We'll stay in Batangas for three days and two nights. Okay na sa accommodation dahil may bahay roon ang pamilya ko," sagot nito.

"Doon na lang namin naisipang pumunta dahil may mga bata at hassle naman kung babiyahe pa tayo nang malayo. Okay lang naman, 'di ba?" tanong ni Saff.

"Okay na iyon," sagot ko na sinamahan ko pa ng tango. Bumaling ako kay Hero. "So, are you coming with us or not? Kung talagang busy ka, okay lang naman kung hindi ka pwede."

He smiled. "I think it's a convenient time for me. Wala pa akong schedule sa araw na iyon. Kakausapin ko na lang si Kevin mamaya para mailagay niya iyon sa schedule ko."

"Papayag ba siya?" tanong ko.

"Papayag siya lalo na kapag nalaman niyang ikaw ang kasama ko."

"Who's Kevin?" nakakunot-noong tanong ni Saff.

"His manager," I replied. I heard Joseff groaned.

"Do you really have to ask whoever that guy is?" nakakunot-noong tanong niya kay Saff. Niyakap naman ni Saff ang braso niya.

"Ito naman, masyadong seloso. Tinanong ko lang, eh," natatawang sagot niya.

"I'm not jealous," Joseff replied. Hmm... I doubt that. He's frowning so I think he's really jealous. Napailing na lang ako sa naisip.

Nag-usap pa kami ng mga dapat naming pag-usapan tungkol sa outing. Pagdating ng lunch time ay sabay-sabay na kaming kumain ng tanghalian. Habang kumakain kami ay hindi pa rin natapos ang usapan namin tungkol sa outing. Sobrang excited na talaga si Saff sa outing.

Alas dos ng hapon nang dumating si Andrea galing sa bahay ng kaklase niya. Nagulat siya dahil ang daming tao sa bahay. At the same time, natuwa rin siya dahil ang daming bata sa bahay at siyempre, natuwa siya dahil nasa bahay ang idol niyang si Hero.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon