Forty-Eight

35.3K 822 26
                                    

Chapter 48
Issue

**

A few days after we visited Zyrine at their pastry shop, I called my parents using my number to tell them everything that happened to me these past few days. Sinabi ko sa kanila ang naging pagkikita naming muli ni Hero pati na rin ang pag-aayos naming dalawa.

They were both happy when I told them that we'll be going home with Hero soon. They were excited to finally see the twins in person. Kadalasan kasi ay sa video call lang nila sila nakikita.

After talking to them, ang mga kaibigan ko naman ang tinawagan ko using Skype. Isinama ko na rin si Aries para hindi ko na kailangang magpaliwanag ng ilang beses.

Speaking of Aries, naalala kong nagkatampuhan kami noong umalis ako dahil sa kanya lang ako hindi nakapagpaalam sa personal. Dalawang buwan niya rin akong hindi pinansin noon at dalawang buwan ko ring sinubukang humingi ng tawad sa kanya. Mabuti na lang at naging okay rin naman kami.

"Oh my gosh! Really? So, okay na talaga kayo ngayon?" tanong ni Saff matapos kong ikwento sa kanila ang mga nangyari sa amin ni Hero nitong mga huling araw.

Tumango ako. "Yes."

"And all this time, you were in Cebu? Mabuti pala at nagkaroon ng mall shows si Hero riyan," sabi ni Aries.

"So, what are your plans now? Nag-usap na ba kayo ni Hero tungkol sa mga plano niyo?" tanong ni Eunice.

Tumango ako. "Yep. We're planning to go back to Manila after his appearance in Famoso's concert. Sabi ni Hero, baka raw Sunday or Monday. I need to ask him again later."

"Finally! Makikita na rin namin ang kambal sa personal. And we really miss you, Sis. Pag-uwi mo rito, dapat mag-bonding tayo without our children and husband," excited na sabi ni Saff.

"Oo nga. You can come with us, Aries. Hindi ka naman na iba sa amin," yaya ni Eunice.

"Oh, sure! Wala naman akong ibang poproblemahin dahil single ako and obviously, I don't have kids. I'll certainly go. Hmm... bar tayo?"

"Ay sige, go! Gusto ko iyan," excited na sabi ni Saff.

Agad akong umalma. "No. I'm still breastfeeding. Bawal ako roon."

"Bawal din ako. It's bad for my health. Saka hindi ako pwedeng magpuyat," sagot ni Eunice. Maya-maya ay napangisi siya. "Girls, I'm two weeks pregnant."

Napasinghap ako nang marinig ang sinabi niya. Parehas namang napanganga sina Aries at Saff.

"Oh my! Congratulations, Eunice! Sa wakas, masusundan na si Natalie. Ang tagal din bago niyo siya sinundan, huh? Natalie's already four, right?" I asked.

Tumango siya. "Yes. Actually, five years old pa dapat namin siya susundan kaso hindi na yata nakapaghintay si Niel."

"Jusko! Isang taon na lang ang hihintayin, hindi pa nakapaghintay. Anyway, congratulations! Malaki na rin naman si Natalie kaya okay lang iyan," sabi ni Saff.

"Of course! It's still a blessing. Masaya nga ako dahil madadagdagan na naman ang pamilya namin," nakangiting sagot ni Eunice.

"Congratulations!" bati ni Aries sa kanya.

Nagkwentuhan pa muna kami ng kung ano-ano bago ako nagpaalam sa kanila. Kanina ko pa kasi napapansing tahimik na ang tatlo sa sala. Iniwan ko kasi sila roon kanina dahil kinailangan ko ngang kausapin ang parents ko at ang mga kaibigan ko.

Paglabas ko sa kwarto ay nakita kong tulog na si Hero at ang kambal sa kutson na inilatag ko roon kanina. Napangiti ako sa nakita kong ayos nila. Nakadapa sa ibabaw ni Hero si Jace habang natutulog samantalang si Jude naman ay nasa tabi niya.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon