Twenty-Nine

32.4K 806 31
                                    

Chapter 29
Come Back

**

Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang sagutin ko si Hero. So far, maayos pa rin naman ang lahat. Mukhang ayos lang naman sa mga fans ni Hero na may girlfriend siya. Anyway, wala naman silang magagawa, eh. It's Hero's choice and they can't do anything about it.

Day-off ko ngayong araw na ito at kasalukuyan kong hinihintay ngayon si Hero sa garden ng bahay namin. Ngayon kasi namin naisipang pumunta sa amusement park. It's going to be our first date as a couple. Buti na lang at nataong weekday ang day-off ko ngayon kaya siguradong hindi ganoon karami ang tao sa pupuntahan namin.

Dapat ay noong nakaraang day-off ko kami pupunta kaso siya naman ang may trabaho. Ngayon lang nagkatugma ang oras namin kaya ngayon kami pupunta. And I'm really excited to be with him.

Mga ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng tunog ng sasakyan sa labas. Nagbabakasakali akong si Hero na iyon kaya bago pa man siya makapag-doorbell ay binuksan ko na ang gate. At hindi nga ako nagkamali. Saktong pagbukas ko ng gate ay nakita kong kabababa lang niya mula sa kotse niya.

He smiled when he saw me. Ngumiti rin ako at agad siyang sinalubong. Hinalikan niya ako sa pisngi nang makalapit ako.

"I'm sorry. Did I keep you waiting?" he asked.

Umiling ako. "I'm just excited to see you and be with you."

Nahalata ko agad ang pagpipigil niya ng ngiti. Napangisi ako. Alam ko na 'yong ganyan. Kapag nagpipigil siya ng ngiti, ibig sabihin, kinikilig siya. Hindi niya alam, gawain ko rin iyan kapag kinikilig ako.

Tumikhim siya. "I think I need to greet your parents first before we go."

"Okay. Magpapaalam na rin ako," sagot ko. Pagkatapos no'n ay magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob ng bahay para magpaalam kina Mommy at Daddy.

Pagkatapos naming magpaalam kina Mommy ay umalis na rin kami. Mga ilang sandali lang ay nasa biyahe na kami papunta sa Enchanted Kingdom. Mainit pa ang sikat ng araw ngayon dahil katatapos lang ng tanghalian.

Speaking of tanghalian, nilingon ko si Hero para tanungin siya kung kumain na ba siya. Baka kasi mamaya, himatayin siya dahil sa gutom at pagod. Nakakapagod pa naman ang gagawin namin mamaya dahil sigurado akong marami kaming rides na sasakyan.

"Kumain ka na ba?" tanong ko. Sinulyapan niya ako saglit bago siya bumaling sa harap.

"Yes, baby. Alam ko namang magagalit ka kapag hindi ako kumain."

"Good," sagot ko.

Lagi ko kasing pinapaalala sa kanya na kumain dahil nalaman ko noong nakaraang linggo kay Kuya Kevin na minsan daw ay hindi kumakain si Hero kapag nasa trabaho. Nang kausapin ko si Hero tungkol doon ay sinabi niyang nakakalimutan daw niya. Kaya ayun, madalas ko nang ipaalala sa kanya na kumain lalo na kapag alam kong may trabaho siya.

He suddenly took my hand and kissed it. Pagkatapos no'n ay hindi na niya iyon binitiwan. Nang tingnan ko siya ay nakita kong nakangiti siya. I suddenly wondered what he's thinking.

"Why are you smiling?" I asked.

"Nothing. I'm just happy. Ang tagal na rin kasi mula nang maramdaman kong may nag-aalaga at nag-aalala sa akin. Ngayon na lang ulit may nagpapaalala sa akin na kumain sa tamang oras," aniya. Sakto namang huminto kami dahil sa traffic light kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para tingnan ako. "I'm really glad I fell in love with you."

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Ngumiti na lang ako. Pero sa totoo lang, masarap din kasi sa pakiramdam 'yong may inaalagaan. Lalo na kung mahal na mahal mo ang taong inaalagaan mo. At hinding-hindi ako magsasawang alagaan siya.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon