Seventeen

34K 802 115
                                    

Chapter 17
Guard

**

Inubos namin ni Hero ang oras namin nang hapong iyon sa panonood ng Disney animated movies. I even let him watch some latest animated movies like Frozen, Moana, Tangled and many more. Gabi na nang magpasya siyang umuwi.

Nang magpaalam siya ay nagpaalam pa siya sa akin kung pwede raw ba siyang bumalik ulit bukas. Sa makalawa kasi ay marami na naman siyang naka-schedule na trabaho at hindi na naman niya alam kung kailan siya magkakaroon ng libreng oras. Kung mayroon man ay saglit lang.

Pumayag na lang ako sa gusto niya dahil naisip kong baka gusto lang talaga niyang sulitin ang isang araw na wala siyang trabaho para magawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Iyon nga lang, hindi ko alam kung anong gagawin namin sa bahay bukas.

Kinabukasan, alas diyes na nang dumating si Hero. Mabuti nga at hindi maaga dahil baka tulog pa ako. Ayoko namang maulit ang nangyari kahapon nang makita niyang mukha akong bruha pagkagising ko.

"Where are your parents?" he asked. Marahil ay napansin niyang tahimik sa bahay namin ngayon kahit na wala namang pasok.

"Nasa office. Tumutulong kasi si Mommy kay Daddy roon ngayon. Si Andrea naman, nasa bahay ng kaklase niya. Sila Manang ulit ang kasama natin ngayon dito," sagot ko. Nilingon ko siya. "So, anong gagawin natin ngayon?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't know. Para sa akin naman, ayos lang kahit wala akong gawin. Kaya ko ngang titigan ka lang buong araw, eh."

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko nang sabihin niya iyon. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin. My goodness! Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinilig doon. Nagpasya akong mag-isip na lang ng kung anong pwede naming gawin ngayon bago pa man niya maisipang titigan ako buong araw.

"Hmm... ano bang madalas mong ginagawa sa inyo?" tanong ko.

"Wala. Natutulog lang o nanonood ng TV," sagot niya. "Hmm... do you know how to bake?"

Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Tumango ako. Bakit naman kaya niya tinatanong?

He smiled. "Great! Why don't you just teach me how to bake?"

Napakunot-noo ako. "Huh? Sigurado ka? Ang random naman ng gusto mong gawin. Bakit naman gusto mong matutong mag-bake?"

"Wala lang. I know how to cook a little but I don't know how to bake. Pwede mo ba akong turuan?" tanong niya. "Besides, I can have quality time with you while baking."

I shrugged. Well, wala namang masama kung tuturuan ko siya. Okay na rin siguro iyon. At least, may gagawin kami, 'di ba? Saka sabi nga niya, he can have quality time with me. Kaysa naman titigan niya ako buong araw. Kahit naman gusto ko iyon, alam ko namang maiilang lang ako.

Wait. Gusto ko iyon?

Napailing na lang ako sa naisip. Huminga ako nang malalim saka ko siya dinala sa kusina. Nagpaalam na muna ako kay Manang na magbe-bake kami. Nag-alok pa siya ng tulong pero tumanggi ako. Nagpaalam na lang siya na magdidilig lang ng halaman sa garden namin kaya naiwan kami ni Hero sa loob.

Mabuti na lang at may mga stock kami ng mga ingredients sa pagbe-bake. Hmm... siguro chocolate cake na lang ang ituturo ko sa kanyang i-bake.

Binuksan ko ang cabinet namin kung saan nakalagay ang mga ingredients na pwede naming gamitin sa pagluluto. Pero bago ko pa man mailabas ang mga gagamitin namin ay tumunog ang cellphone ko. Sumenyas ako kay Hero na sasagutin ko lang iyon. Tumango lang siya.

"Hello?"

"Hey, Bree!" Ang pamilyar na boses ni Saff ang unang bumungad sa akin.

"Oh, Saff. Napatawag ka?"

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon