Chapter 24
Gwapo**
Napanguso ako habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng study table ko. Kanina pa ako nakauwi galing sa trabaho at ang una kong ginawa ay ang magbukas ng laptop para pumunta sa isang website.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis. Bakit ba hindi ako makakuha ng passes para sa MTV Music Evolution 2016? Kanina pa ako nasa website nila pero hanggang ngayon, wala pa rin akong nakukuhang ticket.
Actually, ilang araw na akong bumibisita sa website pero wala pa rin. Bakit 'yong iba madali lang nakakuha? Bakit ako wala pa ring napapala? Malas yata talaga ako sa mga giveaways or raffles. Sinuwerte lang ako noong nabunot ang pangalan ko para maging date ni Hero.
Sinara ko na lang ang laptop ko dahil sa inis. Tumayo ako at lumapit sa kama ko. Humiga ako roon habang nag-iisip pa rin ng paraan para makakuha ng passes para sa MTV Music Evolution 2016. Patulan ko na kaya 'yong mga nagbebenta sa Twitter? Kaya lang paano kung ma-scam ako? Sayang pera samantalang pwede ko namang makuha iyon ng libre sa website.
Ang kaso nga, hindi nga ako sinuswerte. I want a VIP pass! I want to see APink! Ayokong maging Team Bahay! Isa pa, nandoon ang One Republic at si James Reid. I don't want to waste the opportunity to see them all in one concert!
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na talaga alam. Ilang araw na lang ay concert na. May pag-asa pa ba ako? Ano kaya kung pumunta ako roon tapos mag-ninja moves na lang? Pero hindi naman ako marunong mag-ninja moves. Baka mamaya mahuli nila ako.
Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tamad ko iyong kinuha at tiningnan kung sino ang hinayupak na nag-text sa akin ngayon.
Nang makita ko ang pangalan ni Hero ay napabalikwas ako ng bangon. Joke lang pala. Hindi pala siya hinayupak. Agad kong binuksan ang text niya para sa akin.
From: Hero
Hi! Are you busy?Agad ko rin naman siyang ni-reply-an.
To: Hero
No. Why?From: Hero
I have a photo shoot near your neighborhood. I'm currently on break. Can I invite you for a coffee?Photo shoot? Ng ganitong oras? It's already 6:00 PM. Wow. Ang busy nga talaga niya ngayon.
Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang huli kaming magkita. Actually, noong birthday pa niya ang huli naming pagkikita. After no'n, naging busy na ulit siya sa trabaho kaya puro na lang kami text at tawag. Sa video call na lang din kami nagkikita. I admit. I miss him so much.
Dahil nami-miss ko na siya at gusto ko rin naman siyang makita, pumayag ako sa gusto niya. Itinext naman niya sa akin kung saan kami magkikita. Sa labas lang iyon ng subdivision kaya madali ko lang iyong mapupuntahan. Pwedeng-pwedeng lakarin.
Hindi na ako masyadong nag-ayos. Nag-maong shorts na lang ako na hindi masyadong maikli at isang pink na t-shirt. May print iyon na picture ng teddy bear na may hawak na puso. Isinuot ko rin ang puti kong flat sandals pagkatapos ay itinali ko ang buhok ko. After that, I took my phone then went downstairs.
Nakita ko si Andrea na nanonood ng TV habang si Mommy naman ay may sinusulat. Siguro mga bibilhin niya sa grocery bukas. Nang bumaba ako ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Marahil ay napansin niyang nakaayos ako kaya agad siyang nagtanong.
"Lalabas ka pa? Gabi na, ah."
"Diyan lang po ako sa coffee shop sa labas ng subdivision, Mom. Saglit lang naman po. Nandiyan po kasi si Hero. May photo shoot daw po siya malapit dito at kasalukuyan siyang naka-break," sagot ko.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...