Thirty-Nine

29K 612 49
                                    

Chapter 39
Sacrifice

**

It's been two weeks since Mom and Dad decided to let me live in Hero's house. Sa umpisa ay medyo nahirapan akong mag-adjust dahil hindi ako sanay na paggising ko sa umaga ay may katabi ako na nakayakap sa akin. Pero kahit ganoon, kahit papaano ay natutuwa ako na si Hero ang unang bumubungad sa akin pagkagising ko. We would sometimes stay in bed longer after waking up just to cuddle.

Sinubukan ko namang sanayin ang sarili ko at hindi naman ako nabigo. Mula nang tumira ako sa condo ni Hero ay naghati na kami sa mga gawaing-bahay. Kapag walang naka-schedule na trabaho si Hero ay nasa condo lang siya samantalang ako ay kapag day-off lang nasa condo.

Nalaman din nina Eunice, Sapphire at Aries ang tungkol sa paglipat ko sa condo ni Hero pati na rin ang nangyaring kasal noong nasa Cebu kami. Alam na rin nila na nagbabalak na kami ni Hero na magpakasal. They were all happy for us. Kahit na sinabi sa akin ni Aries na inagaw ko raw si Hero sa kanya, alam ko namang nagbibiro lang siya. Gusto pa nga niyang gawin ko siyang isa sa mga bridesmaids pero tinawanan ko lang siya. In the end, pinakiusapan ko naman sila na huwag munang ipagsasabi kahit kanino ang tungkol sa kasal dahil hindi pa talaga maayos ang lahat.

Sa side naman ni Hero, wala pa siyang pinagsasabihan na kahit sino. Kahit sila Kuya Kevin ay hindi iyon alam. Hindi nga rin nila alam na rito na ako sa condo ni Hero nakatira. Hindi rin naman kasi sila nabibisita nitong mga huling araw.

Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula nang makausap namin ang Daddy ni Hero. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakausap si Hero tungkol sa desisyon niyang mag-quit sa pagkanta. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Hindi rin naman ako makahanap ng tiyempo para kausapin siya.

Hindi ko pa alam kung kailan ko siya makakausap tungkol doon pero umaasa akong magagawa ko na siyang kausapin sa lalong madaling panahon. Sana lang, mabago ko pa ang isip niya.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ngayon habang si Hero naman ay nasa banyo at naliligo. Kanina pa ako gising pero tinatamad pa rin akong bumangon hanggang ngayon. Ang totoo niyan, inaantok pa talaga ako at medyo nahihilo rin. Mabuti na nga lang at day-off ko ngayon kaya hindi ko kailangang pumasok sa trabaho.

I know I need to stand up and make breakfast for us but I feel weak. Kailangan kong magluto ng breakfast para kay Hero dahil may trabaho siya ngayon. Ngayon daw ang recording nila ng title song sa bagong album na ire-release niya a month from now.

Hanggang sa makalabas si Hero sa banyo ay nakahiga pa rin ako sa kama. Napakunot-noo siya nang makita niyang hindi pa rin ako bumabangon. Lumapit siya sa akin habang nagpupunas ng buhok.

"This is unusual. Dati naman mas nauuna ka pang bumangon kaysa sa akin. Are you still sleepy?" he asked. Umupo siya sa gilid ng kama.

"Medyo. I actually feel weak," I replied. Nahalata ko naman ang pag-aalala sa mga mata niya nang sabihin ko iyon. Dinama niya ang leeg at noo ko.

"Hmm... hindi ka naman mainit. Baka naman tinatamad ka lang?"

Ngumiti ako. "Yeah. Saka inaantok lang talaga ako. Sorry kung hindi na ako nakapagluto ng breakfast. Pwede bang sa labas ka na lang muna kumain ngayon?"

Bigla siyang napatingin sa orasan na nasa bedside table bago muling bumaling sa akin.

"It's still early. I still have a lot of time. I'll cook breakfast for us. Ayokong umalis nang hindi ko nakikitang kumakain ka," sagot niya. Tumayo na siya saka hinalikan ako sa noo. "Just stay here and sleep some more. Gigisingin na lang kita kapag tapos na akong magluto."

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon