Chapter 43
Sleep**
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatalikod sa amin. Hindi ko alam kung nag-iisip ba siya kung pagbibigyan niya ako o hindi. Sa isip ko ay nagdadasal na ako na sana ay pakinggan niya ako. I want to tell him about the twins.
And if possible, I'd like to explain why I left him before. Pero kung hindi pa niya kayang makinig, okay lang. Maghihintay ako hanggang sa kaya na niya. Sa ngayon, ang tangi kong hiling ay ang makilala niya ang mga anak namin.
Nang hindi pa rin siya sumagot ay tumikhim si Kuya Kevin.
"Maiwan muna namin kayo. Mauna na kami, Hero. Hihintayin ka na lang namin sa bahay," aniya bago niyayang umalis si Ate Leona.
Nang makaalis sila ay hindi pa rin humaharap sa akin si Hero. Nilakasan ko na ang loob ko na lumapit sa kanya dahil tingin ko ay hindi pa rin talaga siya haharap sa akin. Pero nang nasa likod na niya ako, bigla siyang nagsalita na ikinatigil ko.
"Whatever you're going to say, I don't want to hear it."
Agad kong naramdaman ang sakit sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi niya. Pero kahit na ganoon, sinubukan ko pa ring magsalita. Alam ko namang deserve ko ito. I deserve his cold treatment. I deserve his anger.
"I'm sorry—"
"Stop," putol niya sa sinasabi ko.
Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay parang gusto ko na lang umiyak nang makita ko ang galit sa mga mata niya. Dahil doon ay napaiwas ako ng tingin.
"I told you, I don't want to hear anything from you. Kahit anong sabihin mo, hindi na ako maniniwala sa'yo," aniya.
Napapikit ako. Binalewala ko ang sakit na nararamdaman ko at mas pinili kong tumingin ng diretso sa kanya. Kitang-kita ko pa rin ang galit sa mga mata niya pero mas mabuting huwag na lang muna akong magpaapekto. I need to tell him something. He needs to know that we had twins.
Tumango ako. "Okay. I won't say anything related about the past. Naiintindihan ko kung ayaw mo pang makinig sa akin. But there's something you need to know, Hero. May kailangan kang malaman at hindi pwedeng hindi mo iyon pakikinggan. Kahit iyon na lang. Kahit iyon na lang ang pakinggan mo."
Paulit-ulit siyang umiling.
"No. I don't want to hear it," he said before turning his back on me. Nang magsimula na siyang maglakad palayo ay bigla akong nag-panic.
"Hero, you're a father now! May anak ka sa akin."
Napahinto siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon. Nagpatuloy naman ako sa pagsasalita sa takot na baka bigla na naman siyang umalis.
"They're twins, Hero. We had twin baby boys—"
"I said, stop!" bigla niyang sigaw.
Napatalon ako sa gulat. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko dahil ito ang unang beses na sinigawan niya ako ng ganito. But I know I deserve it. Nang humarap siya sa akin ay mas lalo lang nag-rehistro ang galit sa mga mata niya. Kung kanina ay galit siya, mas galit siya ngayon.
"Parang awa mo na, huwag mo na akong paniwalain sa mga kasinungalingan mo! Ang sabi mo sa akin noon, hindi mo ako kahit kailan iiwan. Pero anong nangyari? You left me! Tapos ngayon, sasabihin mong may anak tayo? I don't want to hear any of your lies, Bree. Whatever you say, I won't believe it anymore."
"But I'm not lying!"
"Yes, you are! Ano iyon? Huwag mong sabihing buntis ka na nang iwan mo ako?"
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...