Chapter 28
Sundo**
Bandang hapon ng araw na iyon ay naging maayos na ang pakiramdam ko. Hindi ako iniwan ni Hero kahit na noong nakatulog ako. Paggising ko ay masakit na lang ang ulo ko. Sa bahay na rin nag-dinner si Hero nang gabing iyon.
Kinabukasan ay pumasok na rin ako sa trabaho. Ayaw pa nga nila Mommy dahil baka raw mabinat ako pero pinilit ko pa rin sila dahil ang dami ko na ring absent. In the end, wala na rin silang nagawa.
Sinabi ko rin kay Hero through text na papasok na ako sa trabaho. Tulad nina Mommy, ayaw niya ring pumasok na ako. But I assured him that I'm okay kaya wala na rin siyang nagawa lalo na nang malaman niyang nakabihis na ako at papasok na ako. Binilinan na lang niya akong huwag nang mag-drive dahil balak daw niya akong sunduin mamaya pag-uwi. Doon ko nalaman na wala pala siyang naka-schedule na trabaho ngayon.
Bigla naman akong na-excite nang malaman kong susunduin niya ako mamaya. First time na may susundo sa akin sa trabaho at ang maganda pa roon, boyfriend ko ang susundo sa akin.
Napangiti ako sa naisip. Boyfriend. Shucks! May boyfriend na nga talaga ako!
Sa buong oras na pagtatrabaho ko sa coffee shop ay wala akong ibang madama kundi excitement. Excited na akong mag-uwian. Gusto ko na kasing makita si Hero. Pakiramdam ko, matagal na kaming hindi nagkita kahit na nasa bahay naman siya kahapon. Sobrang miss ko na siya.
"Hoy!"
Muntik na akong mabilaukan sa kinakain ko nang bigla akong gulatin ni Aries. Mabilis kong kinuha ang tumbler ko at uminom. Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng lunch ngayon dito sa likod ng coffee shop. Hindi ko alam kung anong trip niya at bigla-bigla na lang siyang nanggugulat.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano na naman? Kailangan ba talagang manggulat ka?" tanong ko saka ko siya inirapan.
"Oo, kailangan. Kailangan para magising ka na kasi kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako sinasagot. Ano bang nangyayari sa'yo, Ate girl?" naiinis niyang tanong.
Itinuon ko ulit ang tingin ko sa pagkain saka nakangiting sumagot. "Wala."
"Wala? Wala pero ang ngiti mo halos umabot na sa tenga? Alam mo, kanina ko pa nga napapansin iyan, eh. Parang napaka-energetic mo today samantalang kagagaling mo lang sa sakit. Tapos unconsciously ka pang ngumingiti. Ano bang meron? Ano bang kaganapan sa life mo lately? Ilang beses ka ring nag-leave, ha? Mag-story telling ka naman."
Natawa ako sa term na ginamit niya. Story telling talaga? Para namang nasa libro ang buhay ko sa term na ginamit niya. Napailing na lang ako.
"Para namang hindi mo alam kung bakit ako nag-leave," sabi ko. Napairap siya.
"Alam ko naman. 'Di ba nga, nag-outing kayo ng mga besties mo kasama ang family nila noong nakaraan? A few days after that, nag-leave ka naman para pumunta ng concert. Dapat papasok ka na after no'n kaso nagkasakit ka naman," sagot niya. Bigla naman siyang napakunot-noo. "Pero teka, sino nga pala 'yong kasama mo noong nag-outing kayo? Imposible namang ikaw lang ang sumama."
Napanguso ako. Hindi ko nga pala nabanggit na kasama ko noon sina Andrea at Hero.
"Si Andrea... saka si Hero."
Napasinghap siya nang marinig ang sinabi ko. Nang iangat ko ang tingin ko sa kanya ay kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya.
"OMG! Bakit hindi mo ako niyaya? Dapat isinama mo ako!"
Napakunot-noo ako. "Niyaya kaya kita. Ikaw nga itong humindi kasi sabi mo, nahihiya ka sa mga besties ko. Sabi ko naman sa'yo, okay lang sa kanila na sumama ka kasi gustong-gusto ka nilang kasama. Kaso, ikaw naman itong may ayaw."
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...