Featured song: Tenerife Sea - Ed Sheeran
**
Hero's Point of View
"Daddy, why are you calling Mommy 'baby'? She's not a baby anymore," my five-year old son, Jace, asked while I was busy helping him put on his shirt.
Napangiti ako nang marinig ang tanong niya. Bree and I are married for four years already but I'm still calling her my baby. Nakakatuwa na kahit ganoon ay ngayon lang naisipan ng anak namin na itanong ang tungkol doon.
"It's because she's my baby. Yes, she's not a baby anymore. The word 'baby' doesn't always mean a newborn child. It can also be an endearment," I replied.
He creased his forehead. "What's an endearment, Daddy?"
"It's what you call the person you love the most. Instead of calling her by her name, I used an endearment for your Mommy. Of course, siya lang ang tatawagin ko ng ganoon."
"But you sometimes call us 'baby', too."
"That's because you're still our baby. When I call your Mommy 'baby', it's an endearment. But when we call you and your brothers 'baby', it means bata pa kayo kaya baby namin kayo."
Mas lalo lang siyang napakunot-noo at napakamot sa ulo dahil sa sinabi ko. I chuckled.
"I still don't get it, Dad," he said.
"I'm sure you will when you get older," I said. Tumayo ako nang masiguro kong nakaayos na siya. "For now, why don't you go with your brothers downstairs? Look after Josh for a while. Tell that to your twin, too. Magbibihis lang ako. Remember to keep quiet, okay? Baka malaman ni Mommy niyo ang gagawin natin. It's a secret."
"Don't worry, Dad. We'll be quiet," he said before turning his back on me to go to his brothers. Pero bago pa siya makalabas ay tumakbo ulit siya pabalik sa akin. "Dad, when I grow up and when I found the girl I love the most, can I call her 'baby', too?"
Ginulo ko ang buhok niya saka ko siya nginitian. "Of course, you can. But be sure to treat her well, okay?"
Tumango siya saka mabilis na lumabas ng kwarto. Napailing-iling na lang ako at nagpasyang magbihis na lang. Today is Mother's Day and I'm going to surprise my wife. Of course, I asked the help of our sons. Sana lang ay kaya nilang manahimik muna kahit sandali lang para hindi malaman ni Brianna ang balak namin.
Ilang taon na rin ang lumipas matapos kong pakasalan si Bree. After the twins, we had another son. We named him Josh Evan. He's three years old already. Sa kanilang tatlo, si Jude ang parang tumatayong kuya nila kahit na magka-edad lang naman sila ng kakambal niyang si Jace.
As for my career, ipinagpatuloy ko ang pagkanta dahil iyon talaga ang pangarap ko. Iyon nga lang, hindi na ako ganoon ka-busy hindi tulad dati dahil mas priority ko ang pamilya ko. Paminsan-minsan na lang akong tumatanggap ng projects. Pero kahit ganoon, hindi naman kami nagkakaproblema financially. Nakatulong kasi ang coffee shop na iniregalo ng Daddy ni Bree sa kanya kung saan siya nagtatrabaho dati. Kaming dalawa na ang namamahala no'n ngayon.
Brianna had always been there to support me in whatever I do. She's been a good wife to me and a good mother to our kids and a simple surprise is my way of thanking her. I love surprising her. I love the happiness she's showing every time I surprise her.
BINABASA MO ANG
Dating an Idol (The Neighbors Series #3)
RomanceThe Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng personal ang mga idols niya. Ilang beses na nga siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kaya si...