Thirty-Seven

29.6K 688 12
                                    

Chapter 37
Daddy

**

Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina pa ako palakad-lakad dito sa sala dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ni Daddy kay Hero.

Natawagan ko na si Hero kanina at nasabi ko na rin sa kanya kung ano ang nangyari. Papunta na siya ngayon dito sa bahay at habang naghihintay ako ay mas lalo lang akong kinakabahan.

"Anak, umupo ka nga. Nahihilo ako riyan sa ginagawa mo, eh," reklamo ni Mommy nang makita niyang kanina pa ako pabalik-balik ng lakad. "Alam kong kinakabahan ka pero hindi naman mawawala ang kaba mo sa inaasta mo."

Napabuntong-hininga ako saka umupo sa tabi ni Mommy na kasalukuyang nagbabasa ng magazine dito sa sala. Mabuti pa si Mommy, okay lang sa kanya na nagpakasal kami ni Hero. Nagulat lang siya sa nalaman niya pero hindi naman siya nagalit sa ginawa namin. Pero si Daddy... Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Nilingon ko si Mommy. "Mom, galit po ba sa akin si Daddy?"

Ibinaba niya ang magazine na hawak niya saka siya bumaling sa akin. Napansin ko pa ang pag-iisip niya sandali.

"Galit? Hmm... sa tingin ko, hindi naman siya galit sa'yo, anak. He's just disappointed."

Napakunot-noo ako. "Disappointed? Dahil po nagpakasal ako nang hindi ko sinasabi?"

"Hindi, anak. Hindi siya disappointed dahil nagpakasal ka nang hindi namin alam. Well, siguro medyo lang pero tingin ko, hindi iyon ang pinakadahilan kung bakit siya disappointed sa'yo."

"Ano naman pong dahilan?"

She smiled. "I think he's disappointed because you didn't give him the chance to take you to the altar."

Saglit na prinoseso ng utak ko ang sinabi ni Mommy. Nang maintindihan ko kung ano ang sinabi niya ay nanlaki ang mata ko.

"You mean, disappointed po siya kasi hindi niya ako naihatid sa altar?"

Tumango siya. "Alam mo, anak, wala naman kaming ibang gusto ng Daddy niyo kundi ang maging masaya kayo ng kapatid mo. Ngayong nakikita namin ng Daddy mo na masaya ka sa piling ni Hero, ayos lang sa amin kung gugustuhin niyong gawin ang gusto niyo. Kung gusto niyo ng magpakasal, walang problema sa amin iyon kahit gaano pa iyon kabilis. Isa na lang ang gusto naming mangyari ng Daddy mo. Iyon ay ang maihatid ka namin sa altar papunta sa lalaking makakasama mo habambuhay. And I think your Dad is disappointed because he thinks he can't do that anymore."

Parang may kung anong humaplos sa puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Mommy. Gusto kong matawa. Gusto kong matawa dahil kung alam lang niya, pwede pa naman niyang gawin iyon. Hindi pa naman legal ang kasal namin ni Hero at may balak pa naman kaming magpakasal sa simbahan.

Speaking of that, hindi ko pa rin pala nasasabi kay Mommy na hindi pa legal ang kasal namin.

"Mom, hindi naman po legal ang kasal namin ni Hero," sabi ko. Nahalata ko ang gulat sa mukha niya nang marinig ang sinabi ko.

"What? What do you mean it's not legal?" she asked.

"Totoo pong nagpakasal kami ni Hero at ang Mayor ng Cebu ang nagkasal sa amin. Pero wala po kaming kahit anong ipinasang dokumento sa kanila. We didn't sign any marriage contract. We just had a little ceremony. Noong gabing bago kami ikasal, Hero asked me to marry him. Of course, I said yes. Pagkatapos no'n, niyaya niya rin po akong magpakasal na agad kinabukasan kahit hindi legal. Nagpakasal po kami sa Cebu dahil gusto po naming maging mas memorable ang stay namin doon."

"Kung ganoon, magpapakasal pa kayo ulit ni Hero?"

Tumango ako at ngumiti. "Iyon po ang plano namin. Actually, ngayon nga po dapat namin kayo kakausapin tungkol doon. Gusto po ni Hero na pormal na hingin ang kamay ko sa inyo. Kaya lang, ganito naman po ang nangyari."

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon