Nine

36.9K 857 7
                                    

Chapter 9
Treat

**

Hindi agad ako nakasagot. Iniisip ko kung tama ba ang narinig kong sinabi niya. Hindi naman siguro ako niloloko ng pandinig ko, 'no? But I need to make sure.

"Court? As in 'ligaw'?" tanong ko. Napaiwas siya ng tingin na para bang nahihirapan siyang sabihin ang dapat niyang sabihin.

"Well, yeah..."

Napakunot-noo ako. "Bakit mo ako liligawan? You told me you don't like me romantically so why do you suddenly want to court me? Saka ano 'yong sinabi mo kanina na 'I need to pretend'?"

Bigla naman siyang natigilan na para bang may napagtanto.

"Oh, that. Um... actually, mali ang pagkakasabi ko no'n. Let me rephrase that. You don't need to pretend. I just need your help. I'm actually the one who needs to pretend," he said.

Mas lalo akong napakunot-noo dahil sa sinabi niya. I don't understand him. Ano ba talagang gusto niyang sabihin? What's with the 'pretend' and 'court' thing?

"Can you please explain what you're trying to say? Because honestly, I can't understand you. Paano ba kita matutulungan? At para saan ang pagpapanggap at panliligaw na sinasabi mo?" sunod-sunod kong tanong.

Napapikit siya at napabuntong-hininga. Nang idilat niya ang mga mata niya ay tumingin siya nang diretso sa akin.

"Okay. I just hope you'll understand me," he said. Tumikhim siya. "You know about my dream, right? Alam mo kung gaano ko kagustong makapag-perform sa iba't ibang bansa, 'di ba?"

Tumango ako. "What about it?"

"Well, the president of GAE knows it, too. And earlier, before I went here, I had a meeting with him. Actually, may policy kasi sa GAE na maaari lang magkaroon ng concert tour around Asia ang isang singer kapag nakaabot na siya ng walong taon sa GAE. Pero kanina sa meeting, ang sabi ng president, pwede ko na raw gawin iyon. He told me that I can have a concert tour around Asia first."

Napangiti ako.

"Really? That's nice, then. Sa wakas, matutupad mo na ang pangarap mo," masaya kong sabi. Pero agad din akong natigilan nang makita kong nakasimangot siya. "Bakit parang hindi ka naman masaya?"

"I can't truly be happy about it. Bago mangyari iyon, may gusto pa silang ipagawa sa akin."

"Ano naman iyon?"

Napapikit siya saglit na para bang hirap na hirap siyang sabihin ang dapat niyang sabihin.

"They wanted me to join Famoso on their worldwide tour as a special guest. Gusto nilang isama ako para mas ma-expose ako sa mga tao," sagot niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Wow! Famoso, huh?

Famoso is a famous band here in the Philippines. Apat ang members nito at ang nag-iisang babae sa kanila ay ang kanilang vocalist. Hindi ko naman sila gaanong kilala pero sa pagkakaalam ko ay ten years na silang nasa music industry. Ayon sa mga naririnig ko, college students pa lang daw sila noong nag-debut sila bilang isang banda. Nakakamangha dahil ang aga nilang na-achieve ang pangarap nila.

Pero hindi ko gets kung bakit parang malungkot pa rin si Hero. Ayaw niya bang makasama ang isang sikat na bandang tulad ng Famoso? It can be a great experience for him.

At hindi ko pa rin alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ine-explain ang sinabi niya kaninang pagpapanggap at panliligaw.

"Oh? Ayaw mo ba no'n? Para ka na ring nag-concert sa ibang bansa kapag sumama ka sa kanila. Alam kong mas maganda kung solo concert iyon pero magandang exposure pa rin naman iyon, 'di ba? It can be a good start," I said.

Dating an Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon