Chapter 2 ♕ Scent

12.1K 313 14
                                        

Jessica Miyuki Valdez

“Ito na yun,” sabi ni Vivian as she glanced up the room number above. Huminga naman ako ng malalim para mawala man lang ang kaba na nararamdaman ko.

“O-okay... salamat,” sabi ko sakanya habang palayo na sya.

“It’ll be okay!” she shouted as she walked away and I just waved at her.

Nakatayo na ako sa harapan ng room at huminga ulit ako ng malalim. Naririnig ko mula dito sa labas ang mga boses ng mga estudyante. Geezz! Para akong masusuka sa sobrang kaba! Oh God!

My hands were shaking when I gripped the doorknob and twisted it to open. Dahan-dahan akong pumasok at lumingon sa paligid...and their eyes were on me! New environment is always so freaky to me!

Hindi ko na lang sila pinansin at nakayuko akong tumungo sa isang vacant seat na malapit sa bintana. Nilagay ko ang bag ko sa chair tapos umupo na ako. My hands were still shaking! Urghh! I can’t wait to go home!

“Hi transferee ka?” napalingon naman ako nang may babae na kuma-usap sakin. Tumango lang ako at ngumiti. Some of them are not bad at all.

“I’m Cristy and welcome,” sabi pa nya and offered a handshake kaya tinanggap ko.

After our handshake bumalik na silang lahat sa mga upuan nila dahil pumasok na ang prof namin. I think he’s on his 30s.

“Good morning class,” bati nya at lumingon sya sakin. “So may bago kayong magiging kaklase. Please introduce yourself Miss,” he motioned me to stand up so I did.

“Uhm I’m—“

“Sorry I’m late,” nanlaki ang mga mata ko nang makita ko SYA na pumasok! Don’t tell me kaklase ko sya sa math?!

“This is the second time you’ve been late Mr. Knight, make sure it won’t happen again,” sabi ng prof namin at dere-derecho lang sya sa paglalakad...at umupo sya sa vacant seat na nasa harapan ko!  Oh no! Urghh tell me this is not happening to me!

“Miss?... Miss!” napa-igtad ako nang tawagin ako ng prof namin.

“Introduce yourself,” utos nya sakin at napakagat ako sa labi. Sinasabi ko na nga bang mapapahiya ako kapag nandyan sya eh!

“Uhm sorry po... H-Hi I’m Jessica Miyuki Valdez but I prefer Jessie and I’m 19 years old,” sabi ko lang at umupo agad.

“Okay, welcome to Maxwell University Miss Valdez and I hope you’ll enjoy it here,” sabi ng prof namin and I just nodded then he started to discuss about our lesson.

Habang nagsasalita si Sir... di ko mapigilang tumitig sa likod ng kaharap ko. Neil Drace Knight huh? Pangalan pa lang parang imported na! And look at his nape! Ang puti! And his smell... ANG BANGO NY—

I shook my head and slapped myself lightly. What am I thinking?! Pinagnanasaan ko na naman ba ‘tong si Mr. Gorg—Mr. Mysterious?!

Para akong baliw dito sa upuan na iling nang iling, nakinig na lang ako sa tinuturo ni Sir. Syempre kailangan kong mag-aral para sa pamilya ko. Nagja-jot down ako ng notes nang mapansin ko si Neil na tinatakpan ang ilong nya. May mabaho ba?

“Sh*t,”  I heard him cursed. Grabe naman ang bunganga ng isang ‘to!

“Mr. Knight, are you okay?” tanong ni Sir kay Neil nung mapansin nya na parang nahihirapan sya.

“Nothing, just get on with it,” sabi lang nya at nagpatuloy na nga si Sir, Kung maka-utos parang hari. Tsk! 

Hindi ko na lang sya pinansin, hindi ako tatalino kapag papansinin ko pa sya. Nag-jot down ulit ako ng notes nang bigla na naman syang magmura! Seriously?! Yan lang ba ang alam nyang sabihin?! Nakaka-corrupt sya ng innocent mind ah!

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon