Chapter 47 ♕ It's Not Over

4.5K 122 8
                                        

3rd Person’s Point Of View

“Where is she?” tanong ni Soul kina Azriel na naka-upo sa couch. Azriel pointed to the left using his lips without taking his eyes from the movie he’s watching.

Napalingon naman si Soul sa gawi na tinuro ni Azriel. Kahit na hindi precise ang pagkakaturo ni Azriel alam nya kung nasaan na naman si Yumi.

Pagkatapos mailibing si Keenan ay hindi na nila nalalapitan si Yumi. She’s been in that room ever since with the sorcerer named Eoghan.

Soul let out a deep sigh and sat down on the couch katabi si Krey. Kahit na nakatitig silang apat sa TV, wala doon ang atensyon nila. Comedy ang pinapanood nila pero sobrang seryoso nilang lahat.

Hinihintay lang nila na lumapit si Yumi sa kanila at utusan sila ng kung anu-ano. Simula nang mamatay si Keenan ay mas nag-iba si Yumi, nakakatakot na ito at mukha din itong mapanganib.

Ilang minuto nang katahimikan ay di na nakayanan ni Azriel.

“Ang boring naman. Soul kunin mo nga yung PSP ko sa kwarto,” sabi ni Azriel na nakatitig pa rin sa pinapanuond .

“Inunutusan mo ba ako? Want to taste death?” matamlay na sagot ni Soul at di na ulit nagsalita si Azriel.

“When is she coming out?” Joyce asked pertaining to Yumi.

“Don’t know. Hey Soul,” Krey turned to Soul and Soul answered him with a “What?”

“We know she’s planning something... not good. Can’t we just stop this fight? Besides Keenan’s dead already.”

Soul did think of that, pero hindi nya itinuloy dahil alam nyang desidido na si Yumi na ipaghiganti ang kapatid nya. He can see the rage in her eyes.

“Believe me. Nothing can stop her unless that vampire is dead,” Soul answered.

There’s a part of him that wants to leave the side of the Wakehurst to save his half-little brother but there’s also a part where he wants to stay to save Yumi from her madness.

Ugh this is just a waste of time,” tumayo si Joyce and was heading to her room but she stopped in front of Soul.

“Stop her,” she said and left.

・*:.。. .。.:*・

Lumipas ang dalawang linggo at gumaling na si Troy pero nanatili muna sya sa nayon nina Iolana habang patungo naman sina Neil sa isang templo kung saan magpupulong-pulong ang mga bampira upang pag-usapan ang koronasyon.

Nag-iigib si Troy ng tubig mula sa balon at kasama nya ang nakababatang kapatid ni Iolana na si Shandra.

‘Ano na kayang nangyari sa bampirang yun? Wala na sila nang magising ako. Tsk walanghiyang bampirang yun! Pagkatapos ko syang sagipin aalis na lang agad-agad?! Wala man lang thank you?! Pero kung magte-thank you sya hindi ko yun tatanggapin noh! Aalilain ko sya upang makabayad sa utang na loob nya sakin. Swerte naman ata nya kung thank you lang!’ sabi ni Troy sa sarili nya.

Hindi na nila naabutan ang paggising ni Troy dahil nga sa isang importanteng okasyon na hindi nila pwedeng balewalain. At nung nagising si Troy ay nagtaka pa sya, ang akala nya ay patay na sya. Maraming gumugulo na katanungan sa isipan nya nun pero ipinaliwanag naman agad ito ni Iolana.

Ayos lang kay Iolana na umalis na si Troy at di na nya kailangan pang bantayan ang nayon nila dahil sigurado na syang hindi na ulit lulusob ang kalaban dahil nagamit na ang huling perlas na kailangan nila. Pero mapilit si Troy kaya pinabayaan nya na lang ito tutal alam naman nilang nagmamagandang-loob lang si Troy.

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon