Jessica Miyuki Valdez
"Puntahan natin." Hinila ko si Jassie sa braso papasok sa restaurant pagkatapos naming tumawid.
Lumapit kami sa kanila nang makapasok na kami. Napatigil naman sila sa tawanan nila nang mapansin kami ni Mama at napatayo sila. Malinaw sa mukha ni Mama ang gulat at pagtataka naman sa lalaking kausap nya.
"A-anak."
Magkatabi sila at napadako ang tingin ko sa kamay nilang magkahawak. Tinignan ko ulit si Mama at napaiwas sya ng tingin.
"Ma... sino yang kasama mo?" tanong ni Jassie na nasa tabi ko.
"A-ah Jas... sya si Tito Alfred mo," sabi ni Mama at napa-smirk ako.
"Tito? Ma di namin sya kilala kaya no need of addressing him as Tito." I said coldly.
"Jessie..." sambit ni Mama.
"Umupo muna kayo, anong gusto nyo? Chocolate cake? Ice cream?" tanong samin nung Alfred.
"Di na kailangan," sabi ko habang umuupo kami sa tapat nila.
"Jess magpapaliwanag ako," hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa table pero binawi ko ang kamay ko.
I can't believe she kept this from us!
"Kailan pa 'to?" tanong ko at napayuko sya.
"L-last 2 months lang anak," sagot nya. Ganun na katagal tinago nya ‘to mula samin?!
"Ma, bakit mo nilihim samin 'to?"
"Eh anak sasabihin naman sana namin sa takdang panahon pe—“
"At kailan naman yang takdang panahon ang sinasabi mo, Ma? Kung hindi ka namin nahuli siguro aabutin pa ng isang taon yang sekreto nyo," I cut her off.
I know I sound rude... pero... nakakainis eh! Sana man lang sinabihan nya kami na may boyfriend sya! Anak nya kami at may karapatan kaming malaman!
At sa tingin ko... may pamilya na din ang lalaking 'to. Hindi naman sa tutol ako pero.. ah basta! Naiinis ako dahil nilihim nya.
"Anak sorry," naiiyak na sabi ni Mama at hinagod naman ng Alfred na yun ang likod nya.
"Ano pa ba ang di pa namin nalalaman?"
Matagal syang di nakaimik and I waited for her answer at ang boyfriend na nya ang sumagot.
"May plano na kaming magpakasal next month," sabi nya and that caught me off guard! What the heck?! Pakasal agad?!
Napalingon ako kay mama.
"M-ma! Totoo ba 'to?!"
Ilang buwan pa lang silang magkakilala at magpapakasal na sila?! Nagmamadali? Hindi pa naman end of the world ah?!
"Oo anak... s-sorry," sabi ni mama at napaiyak na sya ng tuluyan.
Napahilot na lang ako sa sentido. Ano bang iniisip ng nanay namin?! Parang ako na ata ang naging nanay dito ah!
"Jess mahal namin ang isa't isa. Sana suportahan mo kami," sabi ni Mama at hinawakan ang kamay ng lalaki.
Suportahan? For now... I don't think kaya ko. She just met him for pete’s sake! Pano kung niloloko lang sya ng lalaking yan? Pano kung kriminal pala yan?
Gusto kong itanong sa kanya yun pero di ko ginawa dahil nandito ang nobyo nya.
Kinuha ko na lang ang bag ko at umalis. Uuwi na lang ako. I want to clear my head.
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
Вампіри[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...
