Jessica Miyuki Valdez
“JESS!” tawag sakin ni Luna at tumatakbo silang lumapit sakin.
Anong kailangan nila sakin?! P-papatayin ba nila ako?!
Pero nawala ang takot na naramdaman ko nang makita na luhaan si Luna. Napalitan yun ng pagkalito at awa.
“Bakit?” tanong ko.
Nagulat ako nang hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at di ko sinasadya na tampalin ang kamay nya na para ba akong napaso. Nakita ko ang sakit na rumehistro sa mga mata ni Luna at na-guilty naman ako dun.
Alam kong iba din sila, pero hindi ko na alam kung pano ko sila pakikitunguhan.
“Jess okay lang sakin na matakot ka samin pero please... Neil needs you!” she said pleading and she was crying already.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko agad. My head is filled with questions. Si Drace? Kailangan nya ako? Bakit?
“Alam namin na may alam ka na tungkol... samin.” Tyler started and paused for a second. “I’m sorry but he needs your blood,” sabi nya at napa-iwas ng tingin. Ganun na din si Luna na hindi man lang makatingin sakin.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya! MY BLOOD?! Nababaliw na ba sila?!
“PAPATAYIN NYO KO?!” Napalingon kaagad sila sakin nang sumigaw ako. Panic is visible on their faces.
“Of course not! Jess... kahit isang patak lang please.” Pagmamakaawa ni Luna. Napakagat-labi ako at nanginig ang mga daliri ko sa kamay.
“Bakit ako?” marami namang iba dyan ah?
Narinig kong napabuntong-hininga si Tyler at lumapit sakin. Sa mukha palang nila, mukha silang pagod na pagod at walang tulog.
“He wants yours and he’s out of control! Jess please we have no time!” mahinahong sabi nya pero alam kong seryoso sila sa pinagsasabi nila. My heart pounded loudly again at natataranta na ako!
Bakit?! Mamatay na ba sya?! Hindi pwede!
“S-sandali lang,” sabi ko at pumasok sa loob ng bahay.
Nagmamadali akong bumalik sa kusina at naghanap ng lalagyan. Oo! Pumapayag akong ibigay ako dugo ko kay Drace. Wala na dawng oras kaya kailangan kong magmadali!
Maraming pumapasok sa utak ko at nanginginig ang kamay ko. Hindi sya pwedeng mamatay!
May nakuha akong maliit na bote at nilagay ko muna yun sa lababo. Kinuha ko ang kutsilyo at itinapat yun sa braso ko. Nanginginig pa rin ang kamay ko na hawak ang kutsilyo.
Kailangan kong gawin ‘to para kay Drace. Iniligtas nya ako kaya... ililigtas ko din sya.
Ipinikit ko nang mariin ang mga mata at sinugatan ang sarili ko. Naramdaman ko agad ang hapdi sa braso ko. Nang iminulat ko ang mga mata ko, nakita ko ang agad ang sariwang dugo na dumadaloy. Hindi ko na ininda ang sakit dahil natataranta na ako!
Itinapat ko ang bote sa ibaba ng braso ko at sinala ang dugo na tumutulo mula sa sugat ko.
Nang mapuno na ang bote lumabas agad ako ng bahay at ibinigay kay Luna ang bote. Kitang kita ko na tuwa sa mukha ni Luna.
“Thank you very much,” sabi nya at yayakapin sana ako pero di nya tinuloy.
“We have no time to waste.” Aalis na sana sila pero agad ko silang pinigilan. Napalingon naman sila sakin na nagtataka. Nagdalawang-isip muna ako bago ako nagsalita. Alam kong hindi ko ‘to dapat gawin pero... gusto ko syang makita.
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
Vampire[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...
