Chapter 25 ♕ I Love You

7.4K 213 10
                                        

Jessica Miyuki Valdez

 

“Masakit na ang paa ko,” reklamo ko na nakanguso.

Hanggang ngayon kasi nandito pa rin kami sa daan, naglalakad. Inaantok na nga rin ako eh, di ko na alam ilang oras na ba kaming naglalakad. Ilang milya pa ba ang lalakarin namin bago makarating sa mansion ni Drace?!

Tinignan naman ako ni Drace na paika-ika nang naglalakad tapos nag-smirk sya! GGRR! Walang modo! Sarap itulak sa bangin! Wala ba syang awa sakin?!

“Don’t expect I’ll carry you like a princess, that’s stupid.”

Tss di ka ba naaawa sakin?! Pagkatapos kong sugatan ang sarili ko para sayo, ito lang ang igaganti mo sakin?!” singhal ko sa kanya.

Wala ata itong pakealam sakin eh! Pagkatapos nya akong sabihan na “I f*cking love you” gaganituhin lang ako?! Batuhin ko sya ng bawang eh!

“Why would I have pity on you? Hindi kita inutusang sugatan yang sarili mo kaya panindigan mo yan.”

Tsk bato ata kinakain nito araw-araw eh! Wala man lang nararamdamang awa!

“Alam mo... ang sweet mo! Grabe kinikilig ako” I said sarcastically tapos binitawan ang kamay nya at nag-cross arms. Tss nakakawalang gana syang kausap!

“Anong na namang inaarte-arte mo dyan?” I rolled my eyes at him.

“Wala! Umupo na nga muna tayo, masakit na talaga ang paa ko.” Umalis ako sa tabi nya para maka-upo sa malaking bato na nasa tabi ng daan.

Wooohhh! Ang sakit!

Sumunod naman sya sakin, umupo sa ugat ng puno at napasandal. Tinanggal ko ang sapatos ko, napangiwi ako nang makita ang pasa sa paa ko.

Kaya pala masakit, may kasikipan na kasi ang sapatos ko. Hinimas himas ko ang paa ko para mawala man lang konti ang sakit.

Binalingan ko si Drace habang hinihimas pa rin ang paa ko. Nakasandal pa rin sya sa puno at nakapikit na sya habang hinahabol ang hininga nya.

Anyare sa kanya? Buhay pa ba yan? Natural humihinga pa eh.

Isinuot ko ulit ang sapatos ko tapos nilapitan sya, lumuhod ako sa harap nya.

“Ui okay ka lang? Buhay ka pa?” tanong ko pero di nya ako sinagot.

Kaloka ‘tong bampirang ‘to, masungit na nga isnabero pa!

“Kaya mo pang maglakad?” tanong ko ulit.

Panay lang ang pagtaas-baba ng dibdib nya. Siguro pagod na pagod sya kaya di nya ako mabuhat?

“Uhm ano...gusto mg dugo? Nanghihina ka na eh. Sandali lang ah?” Tatayo na sana ako para sugatan ulit ang braso ko, natuyo na kasi yung sinugatan ko kanina, pero pinigilan nya ako. He opened his eyes lightly.

“Don’t, I’m fine. Magpapahinga lang ako sandali.”

“Talaga bang okay ka lang?” Tanong ko ulit, mukha kasing hindi eh.

“Oo nga kasi tss. Tignan mo nga yang braso mo, napuno na ng sugat at diba sinabihan na kita na wag saktan ang sarili mo?! Tigas talaga ng ulo mo,” sermon nya sakin.

“Alangan namang pabayaan kitang pumatay?! Yun ba ang gusto mo? Kesa naman na makita kitang pumatay mas okay na sakin na ako na lang ang nasasaktan.” Di na sya nakapagsalita, umiwas lang sya ng tingin.

Napaiwas ako ng tingin at napatingala sa malaking buwan, maliwanag pa rin ito. Vampires are one of the most feared mythical creatures at di ko akalain na sa isang simpleng full moon, malaki na ang idinudulot nito sa kanila.

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon