Jessica Miyuki Valdez
Maxwell University’s School Festival
Naglalakad ako ngayon sa hallway, papunta akong rooftop. School festival na nga pala ngayon kaya sobrang busy ng lahat ng tao. Well di ako kasali dun dahil tapos na akong tumulong sa booth namin. Kaya heto ako ngayon tumitingin sa iba’t ibang booths. Tatawagin lang naman nila ako kung kailangan nila ako eh.
Dumadami na rin ang mga outsiders and everyone is having fun. Ang dami ding booths, yung iba sa mga classrooms lang sinet-up at yung mga booths naman na kailangan ng malaking space ay sa school ground naka-set up.
I stopped on my tracks and leaned forward to the railings. I looked down and excitement flowed to me when I saw them putting up a poster of Angel Strings and Phantom Beat. Naka-set up na ang stage para sa mini concert mamaya.
May mini amusement park din sa loob ng school. What do expect? Mayaman ang school na ‘to. Nakita ko sina Luna at Tyler na nasa entrance ng mini amusement park. Napabuntong-hininga ako at umalis sa pagkakasandal sa railings. Buti pa sila, nagsasaya! Habang ako... wala! Loner! Hindi ko din nakita sina Troy at Soul.
Si Drace naman... ewan di ko din sya nakita. Tsk kasama na naman siguro yung pusit. And speaking of pusit... hindi ko na sya nakita simula nung nasa bar kami. Ano na kayang nangyari dun?
"Girls nakita nyo ba ba si Neil?" Napalingon ako sa mga babaeng nag-uusap.
"Hindi eh, sayang! Sya na nga lang ang pinunta ko dito hindi pa sya nagpapakita." Tsk iba talaga ang alindog ng lalaking yun and based on their uniforms, hindi sila tagarito.
"Girls! May nakita akong isa pang gwapo! Dali!" tawag sa kanila ng isa pa nilang kasama at nagsitakbuhan na sila. May contribution din pala ang mga gwapo dito sa pagdami ng mga outsiders?
Nang makaakyat na ako na ako sa rooftop, binuksan ko na ang pinto. Sinara ko ito at lumapit sa railings. Pinapanood ko lang ang mga tao na nasa baba. Wala naman akong ginagawa eh.
"Ang dami pala talagang pumunta dito," nasabi ko na lang. Daig pa ata ang palengke sa dami ng tao.
"Tsk kaya nga ako nandito dahil tahimik. Bigla ka namang sumulpot," napalingon ako sa boses ng lalaki na biglang nagsalita. Shock registered to me when I saw him. What is he doing here?
"Drace," nasambit ko na lang. He straightened from lying on his back and leaned to the wall as he stared back at me with those cold eyes.
"Why are you here?" Nagising ako sa katinuan nang bigla nya akong tinanong.
"W-wala lang, gusto ko lang makapag-isa," sabi ko at tumayo sya. He was now heading to the door.
"Saan ka pupunta?"
"Sa baba, ang ingay mo." He replied in a bored tone while not facing me. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Tsk maingay agad?! Eh nagtatanong nga lang ako.
I switched my attention back to the crowd nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at sinagot, not bothering to know who's calling. Itinapat ko na ang cellphone sa tenga ko.
"Hello?"
[Hello Jess?] Si Soul ba 'to? Tinignan ko ang caller at si Soul nga.
"Soul, ba't napatawag ka?" tanong ko.
[Eh k—”]
Di ko na narinig ang sinabi ni Soul nang may umagaw sa cellphone ko!
"Ano ba?!" hinarap ko ang kumuha ng cellphone ko. Nakatayo lang sya sa harap ko at seryoso din nya akong tinitignan. Problema niya?
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
Vampire[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...
