Chapter 3 ♕ Memories

11.3K 279 1
                                        

Jessica Miyuki Valdez

“Anong ginagawa nyo?” 

Napatigil kami at nanlaki ang mga mata ko ng may makita akong lalaki! I’M SAVED!

Nagpumiglas ako lalo kaya natanggal ang kamay nya sa bibig ko. I took a deep breathe and...

“TULU—HMP!” he covered my mouth again but this time... kasama na ang ilong ko! Bw*set! Di ako makahinga! Nagmukha tuloy akong bulate sa kakalikot ko pero di pa rin nya ako binibitawan!

I felt his arms around me tightened and he whispered in my ear.

“Shout and I’ll really have to hurt you!” banta nya sakin and his attention shifted to the guy pero nagpumiglas pa rin ako. Hindi sabi ako makahinga! Kakagatin ko na talaga ‘to hintayin nya lang mabuka kong bibig ko!

“Leave, nothing’s wrong here,” Anong nothing’s wrong?! Pinapatay mo’ko, nothing’s wrong?! Okay ka rin noh?!

The guy hesitated dahil na rin siguro sa expression ko na pinagkaitan ng Oxygen ng drug pusher na’to! I tried to shake my head telling him not believe this... this criminal! Pero di ko magalaw ang ulo ko sa higpit nyang makahawak. Plano na ba nya talaga akong patayin?!

“Don’t mind this girl, she’s... uhm crazy! Nakatakas sya sa Mental and I have to return her kaya sya nagpupumiglas.”

I looked at him with disbelief! Ako?! Galing Mental?! Kung ako galing sa Mental ikaw ex-con!

“Pero... kasama natin sya sa class kanina diba? She even sat behind you.”

Oo nga naman! Tama ka dyan kuya! Ipagtanggol mo ang human rights ko!

“If I tell you she’s crazy... she’s crazy. Now, leave,” he said with authority in his voice and even I got shiver ran down my spine!

“Oh...okay. Have fun,” sabi ng lalaki at umalis! Wait! NOOO! Isama mo’ko please!

(  TT^TT) / 

Binitawan naman nya ako nang umalis na nga yung lalaki at napaluhod ako sa lupa and breathed air into my lungs! I’d never thought I would miss Oxygen this bad!

“Now tell me. Anong nakita mo?”

“Wala!” sigaw ko sa kanya at tumingala ako para magtama ang paningin namin. And I tell you he doesn’t look convinced. Uh-oh!

“Sabihin mo sakin anong nakita mo bago ako maubusan ng pasensya,” he said using his stern voice.

Pinipilit mo’ko ah?!

“Gusto mong malaman?” I stand and point my finger at him. “Isa kang drug pusher! Nakita kong may binibigay kang drugs sa isang lalaki kanina!” sabi ko at mukhang nagulat sya dahil doon. Sinasabi ko na nga ba!

“I’m a what?!” he said and he has this disbelief expression. Huh! Nagpapanggap syang inosente! Magaling sya ha.

“Isa kang masamang tao! Kailangan mong pagbayaran ang mga kasalanan mo!”

“What are you talking about? Tss baliw ka nga,” he said and smirk. Aba nagmamang-maangan pa’to nakita ko na nga!

“Well at least hindi ako isang drug pusher!” I crossed my arms and snorted.

“I’m not a drug pusher,” I rolled my eyes at him.

“Nakita ko! Wag ka nang magmaang-maangan!”

He sighed deeply and scratched his head, and he looked irritated.

“Okay, fine. Have it your way. I’m a drug pusher and don’t tell anyone what you saw or I’ll kill you,” he said with a bored voice.

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon