Jessica Miyuki Valdez
♪ Beep! Beep! ♪
Agad akong bumaba ng hagdan nang may marinig akong bumubusina. Si Drace na siguro yan.
Pagbaba ko ng hagdan,nadatnan kong nagwawalis si Mama at nagkatinginan kami.
"Uhh Ma... aalis muna ako,"pagpapaalam ko at agad na nagtungo sa pinto.
Di pa rin kami nagkakausap ni Mama simula kahapon. Ewan ko ba, naguilty ako sa ginawa ko. I know I was wrong.
Lalabas na sana ako nang tawagin nya ako.
"Mag-iingat ka, anak,"sabi nya and gave me a smile kaya napangiti na lang din ako.
"O-opo," sabi ko bago lumabas ng bahay.
Humahanap lang ako ng tyempo kung kelan ako hihingi ng sorry.
Pumasok na ako sa kotse ni Drace at lumingon sya sakin.
"Wh—“
I cut him off by kissing him on the lips at yumuko ako pagkatapos nun.
Nagba-blush na naman kasi ako! Alam kong gusto nya ng morning kiss kaya inunahan ko na sya.
"Why did you kiss me?" tanong nya kaya napalingon ako sa kanya.
Tsk nag-iinarte pa sya, ako na nga ang gumawa.
"Alam kong hihingi ka na naman ng morning kiss kaya inunahan na kita."
Tsk ang manyak talaga nya!
Nakita ko syang napangisi kaya napa-roll eyes ako. Sigurado akong tuwang-tuwa sya ngayon dahil ako ang naa-under! Huhuhu ang sama nya!
Napalingon ulit ako sa kanya nang bigla syang tumawa. Nababaliw na ba sya? Ba't tumatawa sya dyan?
"Hoy anong tinatawatawa mo dyan?" tanong ko sa kanya. Mukha kasi syang baliw.
Tawa pa rin sya nang tawa. Nakahawak pa sya sa tyan nya at halos mawalan na sya ng hininga.
"Hahaha y-you hahaha w-wait haha c-can't haha breathe," sabi nya wala naman akong naintindihan. Baliw!
"Sige... tumawa ka lang. Sakalin kita dyan eh."
At bakit naman kaya nya ako pingatatawanan. Naka-drugs ba ang manyak na 'to?
Ilang minuto ang nakalipas. Salamat naman sa Diyos at huminto na sya.
"Oh tapos ka na?" tanong ko at tumango sya pero nakangiti pa rin.
"Actually, pfft, I wasn't looking for a morning kiss. I was about to ask why were you frowning.” Nagsimulang mag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi nya.
ANO?! E-eh malay ko ba!
Kyyaaah! Nakakahiya! Kaya pala nya ako pinagtatawanan! Malay ko ba na yun pala ang itatanong nya!
"Ikaw ha, nahahalata na kita," sabi pa nya na may malapad na ngiti sa mukha.
"Che! Wag mokong pagtatawanan kung ayaw mong upakan kita!"
"Pffft B-but I'm not laughing." Nagpipigil pa rin sya ng tawa habang pinapaandar ang sasakyan.
AAAHHH! Parang gusto ko nang magpakamatay sa sobrang kahihiyan! Ako pa ata ang nagmukhang manyak!
"Ngumingiti ka eh! Nakakainis ka! Wag mo nga akong pagtawanan!" Sarap nyang ilibing ng buhay!
Buong byahe nya akong iniinis. Naku! Kung hindi lang ako nakapagpigil sinuntok ko na sya sa sikmura!
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
Vampire[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...
