Chapter 24 ♕ Midnight Confession

6.5K 222 17
                                        

Jessica Miyuki Valdez

 

Si Drace. Sya... sya ang pumatay dun sa babae. At bakit sya nandito? Nakatakas kaya sya? K-Kailangan kong tawagan si Luna.

Kukunin ko na sana ang cellphone na nasa bulsa ko nang mahagilap ko ang tinitignan nya. Napasinghap ako nang makitaang pinagtutuonan nya ng pansin. Di kalayuan, may mga batang naglalaro sa labas ng bahay nila. D-Don’t tell me that he’s going to kill them?!

H-hindi pwede! I can’t let him kill kids! I can’t let him kill anyone anymore!

At sa nakikita ko, wala na naman sya sa sarili nya and I can see that he has transformed. His red hair was like fire dancing through the night and his red eyes were like rubies sparkling under the light of the moon above.

Panic slammed through me when he acted like a predator sneaking up on its prey. He kept his eyes on the kids and slowly moved.

I-I need something sharp! Quick!

I looked for a sharp object enough to cut my skin. Until I saw something sparkled on my peripheral vision. I reached out for the broken mirror and sliced my wrist without hesitation.

I gasped as the sharp pain registered to my brain but I didn’t pay much attention to it. Blood flowed out of my wound. Inilapit ko ang braso ko sa bibig ko at inipon ang dugo sa bibig ko.

Tumakbo ako palapit sa kanya, I grabbed his wrist at ipinaharap sya sakin and there I met his red eyes. Inilagay ko ang kaliwang kamay ko sa likod ng ulo nya and pulled his head until our lips met.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang ipinapasa ko sa bibig nya ang dugo ko at nanginginig pa rin ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang malamig nyang balat. My body calmed when I felt him swallowed my blood. Nagulat na lang ako nang isinandal nya ako sa isang puno at idinikit nya ang katawan namin.

Nawala na ako sa sarili ko nang lumalim ang halikan namin, napakapit na ako nang tuluyan sa batok nya at sya naman napakapit sa bewang ko. My only intention was to pass my blood to him and I didn’t expect that it would end this way. All I know is I’m slowly drowning to his kisses, his toxic kisses.

Naramdaman kong sinisira na nya ang blouse ng uniform ko at dahan dahan nyang ibinaba ito. Napasinghap ako nang halikan nya ako sa leeg at kasunod nun ang isang matulis na bagay.  Napamulat ako at buong lakas na tinulak sya.

Hinihingal ako habang tinitignan sya at nakita ko na natauhan sya sa ginawa nya. His clothes were filled with blood at may dugo pa na tumutulo galing sa bibig nya.

Nakita ko sa mga mata nya ang gulat nang makita ako. How I missed looking at those eyes. G-gusto ko syang lapitan pero nagsimula na syang tumalikod at maglakad nang mabilis.

Hinabol ko sya at patuloy na tinatawag ang pangalan nya pero di sya lumilingon.

“D-Drace sandali!” hahawakan ko na sana sya nang pigilan nya ako.

“Don’t. Stay away from me, Yuki umuwi ka na,” he said without facing me.

Di ko na napigilan ang luhang kumawala sa mga mata ko. Dalawang linngo ko syang di nakita and I’m sooo worried about him for pete’s sake! Tapos heto na naman sya at tinataboy ako?!

“B-bakit ka ba ganyan?! Bakit ayaw mong magpakita sakin?!” tanong ko pero nanatili syang nakatilod sakin at nakayuko. Parang piniga ang puso ko dahil ayaw man lang nya akong harapin. Ayaw man lang nyang sabihin kung bakit nya ako nilalayuan.

Suminghot ako at nagpatuloy sa pagsasalita.

“Diba sabi mo di mo’ko sasaktan?! Eh Drace... nasasaktan na ako sa pag-iwas mo eh,” sabi ko na patuloy pa rin sa paghikbi and I covered my mouth to stop it.

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon