Embracing Death: What Are You?
Copyright © 2014 by FreezingSoul
All rights reserved
--
"Heto po ang bayad manong," sabi ni Mama habang inaabot ang bayad kay manong driver. Lumingon ako sa paligid at bumungad saakin ang napakapamilyar na bahay. Ang bahay ng lola ko.
"Jess, bitbitin mo na yang bag mo. Naghihintay na si Lola sa loob," sabi ni Kuya Jasper sakin at umuna na silang pumasok sa loob.
Hindi ko maitago ang saya na nararamdaman ko. Pagkatapos ng ilang taon ay nakabisita na ulit kami dito sa probinsya. Dito ako ipinanganak pero lumipat kami nung five years old ako sa syudad.
Mas gugustuhin kong dito na lang tumira dahil mas sariwa ang hangin, hindi mausok at dahil nandito din ang mga pinsan ko.
"JESS!" napalingon ako sa tumili at sobrang lapad ng ngiti ko nang makita ko ang mga pinsan ko. Sinalubong kaagad nila ako ng isang napakahigpit na yakap.
"Kelan pa kayo nakarating?" tanong ni Shannon, kasing edad ko lang ang iba sa kanila pero ang iba hindi naman malayo sa edad ko.
15 years old pa lang ako at ang pinakamatanda sa mga pinsan ko na nandito ay 16 at si Shannon yun.
"Kararating lang namin, pagod na pagod nga kami eh," sagot ko at binitbit ang bag ko.
"Ahh ganun ba? Sayang ipapasyal ka sana namin," ang lakwatsera kong pinsan na si Joan.
"Ganito na lang, tutal alas-diyes pa ng umaga at may pupuntahan pa kaming lima. Magpahinga ka muna at susunduin ka namin mamayang hapon," Coreen.
"Oh sige," sabi ko at tumango. Excited na akong maglibot sa probinsya, matagal na akong di nakakabalik dito at sigurado akong marami na ang nagbago.
"I'm sure matutuwa ka! At siguradong matutuwa din si Nick kapag nakita ka na nya," pang-aasar sakin ni Malou sabay sundot sa tagiliran ko at hindi ko napigilan ang pamumula ng mukha ko. Nick is my friend at nung 11 years old ako, bumisita kami dito sa probinsya at bago kami bumalik nagtapat sya sakin na gusto nya ako.
Simula nun, nailang na ako sa kanya lalo na nung inaasar nila ako kay Nick. I haven't seen him for almost 4 years.
"Tumigil ka nga," I said and acted like I was about to hit her.
"Oh sige na, susunduin ka na lang namin mamaya, Jess ah?" Carla said bago sila umalis.
Tumango lang ako and waved at them goodbye tapos pumasok na sa loob ng bahay. Sobrang dami talaga ng nagbago, tulad na lang ng bahay ni lola na lumaki. Dumami din ang mga bulaklak na pumapalibot sa bahay, may sementadong daan na din at ang dami na ding matataas na puno.
Marami din kayang nagbago sa sentro ng bayan? Hindi na ako makapaghintay na mamasyal kami mamaya.
・*:.。. .。.:*・
Nagising ako ng mga alas-tres ng hapon at nandito kami sa likod ng bahay, sa garden ni Lola. Nakahiga ako sa duyan habang naka-upo si Jasmine, ang kapatid ko.
Kami lang ni Lola, Jassie, Kuya at ako ang nadito sa garden, si Mama at si Tita ay nasa kusina nagluluto.
"Kamusta naman ang pag-aaral nyo?" tanong ni Lola at masiglang sumagot si Jassie.
"Naku lola! Kung nakita nyo lang kung gaano kataas ang grades ko sigurado akong matutuwa kayo."
"Mataas? Bagsak ka nga sa Math eh" Kuya.
Nakikinig lang ako sa usapan nila and I was staring at nowhere hanggang sa may nakita ako... bahay ba yun?
"Jess?"
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
Vampiros[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...