Chapter 1 ♕ That Guy

15.4K 361 19
                                        

Jessica Miyuki Valdez

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang bangungot. Mabilis ang paghinga ko at basa na ang uniform ko dahil sa pawis.

“Okay ka lang, Jess?” tanong ng kaklase ko sakin, tumango lang ako at nginitian sya.

Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa desk and buried my face in my hands. What’s up with that creepy dream? Parati ko na lang yung napapaginipan simula nung naka-uwi ako sa bahay ng lola ko apat na taon na ang nakakalipas.

“Jess, mauna na ako ah? Umuwi ka na rin, kanina pa tapos ang klase,” she said and waved goodbye to me then left me in the classroom alone.

Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa noo ko at sinuot ang bag ko bago nagmamadaling umalis. Urgh!! Parati na lang akong nakakatulog sa klase nang dahil sa bangungot na yun. Hindi kasi ako nakakatulog ng maayos sa bahay dahil dun kaya nakakatulog ako sa school.

Sana naman di ako napansin ng professor namin! I’m so dead if I fail his subject! Scholar kasi ako kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti, hindi kasi kami mayaman at wala na din akong papa dahil naghiwalay sila ni mama. Sina mama at kuya na lang ang nagtatrabaho para sa pamilya namin at ayaw ko namang maging pabigat kaya nag-aaral ako ng mabuti.

Pero pano na yan? Pano na kung patuloy pa rin akong makatulog sa klase?! Pangatlong beses ko na yun ngayong linggo! Ewan ko ba! Hindi naman ako ganito noon.

I started having that dream 4 years ago, ang naalala ko lang noon ay sumama ako sa mga pinsan ko sa bayan... tapos may pinuntahan kami...tapos... di ko na maalala ang sumunod na nangyari. Ang alam ko lang, nagising na ako sa bahay ni lola. At yung lalaki... his red eyes were haunting me but I can’t remember his face. Sa panaginip ko, blurred ang mukha nya. It’s really weird! That dream really felt like it was true!

Naka-uwi na ako sa bahay at nadatnan ko sina mama at Jassie.

“Ma, wala pa si Kuya?” I asked while kissing her on the cheeks.

“Wala pa anak eh, baka mamaya dadating na yun,” sabi nya at nagpatuloy sa pagluto.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Pero nakakain na kami, nakapaghugas na ako ng pinggan at naka-suot na kami ng pantulog... hindi pa rin dumarating si kuya.

Napalingon ako sa wall clock dito sa kwarto ko, 10 pm na. Nasaan na kaya si kuya? Nag-overtime kaya sya sa pinapasukan nya? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sya.

Pero puro ring lang ang naririnig ko, kanina ko pa din sya sinusubukang tawagan pero hanggang ngayon wala pa din eh. Busy kaya sya? Hmp! Sana man lang nagtext sya na gagabihin sya para di kami ganito mag-alala!

Sinara ko ang makapal kong libro at bumaba, I saw my mother watching TV while taking glances on the door every 10 seconds. Kawawa naman si mama, sigurado akong nag-aalala na sya.

“Ma, matulog na kayo diba may trabaho pa kayo bukas?” tanong ko habang papunta sa ref para uminom ng tubig.

“Yung Kuya mo kasi eh, hindi pa dumarating tapos di pa ma-contact. Nag-aalala na ako,” sabi ni Mama at halata nga sa mukha nya ang pag-aalala. Sinara ko ang ref at pabalik na sa kwarto ko habang kinaka-usap si Mama.

“Hindi naman ito yung first time eh. Baka na-lobat lang,” paranoid kasi ‘tong si Mama.

“Umakyat ka na lang sa kwarto mo, hihintayin ko pa rin ang kuya mo,” sabi nya at itinuon ang pansin sa palabas.

I just sighed and said goodnight then went straight to my room. Inayos ko muna ang mga gamit ko para bukas at itinabi ito. Nag-inuman na naman siguro yung si kuya kasama ang mga kaibigan nya.

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon