Jessica Miyuki Valdez
♪KKRRRIINNGG! ♪
“Class dismissed,” sabi ng prof namin kaya nagsitayuan na kami at lumabas na ang iba.
“Haayyy salamat naman at dinismiss na tayo ng kalbong yun,” sabi nung isang kaklase ko.
“Oo nga pero nakakainis... tatlong linggo ko nang di nakikita si Prince Neil,” natigilan naman ako sa sinabi nung kausap nya.
“Now you mentioned it, oo nga noh? Kaya pala tatlong linggo na din akong walang ganang pumasok. Sya pala ang kulang sa buhay ko.”
“Hmp! Ambisyosa, akin sya noh,” sabi nung isa at bahagya pang tinulak ang kausap nya bago sila lumabas.
Binitbit ko na ang mga gamit ko at napalingon sa paligid, mag-isa na lang ako tulad ng dati. Ewan ko ba sanay naman ako na walang kaibigan, pero ngayon nalulungkot na ako.
Wala ng Luna na sobrang laki ng bibig na halos di na huminto sa kakaingay, wala ng Tyler na nakikipag-PDA kay Luna, wala ng Troy na parating nakikipagbangayan kay Drace, at wala ng Drace na parating napipikon sa mga ginagawa ko.
Iniwan nila sakin ang mga alaala na gusto ko nang kalimutan at sigurado akong matatagalan pa. Dalawang linggo na ang nakaraan nang mangyari yung pagtatapat ni Drace sakin at hindi ko na nga sila nakita pagkatapos nun. Pati si Troy hindi na rin nagpapakita.
Dalawang linggo ko na ring gustong tanggalin yung alaala na hinalikan nya ako! Hanggang ngayon kasi parang... urgh! Parang nafe-feel ko pa ang mga labi nya.
Lumapit ako sa dating upuan nya.
“Alam mo bang naiinis ako dahil ginawa mo yun?! Yan tuloy... di ka na naalis sa utak ko!” sabi ko sa upuan sabay sipa dito at... ARAY! Nagtatalon-talon ako habang hawak hawak ang paa ko na nasaktan. Bwisit naman oh! Kahit upuan nya pinapatulan pa ako!
Sinabit ko ang bag sa balikat ko at nagtungo na na palabas ng pinto. Nang may makita akong babae na may mahabang buhok na dumaan. S-Si Luna ba yun?!
Tumakbo ako para habulin yung babae at nang maabutan ko na sya. Hinila ko ang braso nya at iniharap sya sakin.
“Luna?”
“Excuse me? Do I know you?” sabi nung babae. Nadisappoint ako nang makita na hindi yun si Luna.
“S-Sorry,” sabi ko lang at naglakad na sya ulit.
Inihilamos ko ang kamay sa mukha ko. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon, miss na miss ko na sila.
Napatingala na lang ako sa ulap. Ano kayang ginagawa nila ngayon?
Luna Clarkson
“I miss Jessie, gusto ko na syang puntahan,” I groaned as I looked up in the sky. Makulimlim ang paligid kaya di mainit, uulan siguro mamaya. Sinasabayan ata ng panahon ang mood ko! How rude!
“That’s why we’re here to ask permission from our ‘great’ prince who only brings problems,” Tyler said and dragged me out from the car, then we started heading to the entrance of his mansion.
“We’re not even sure if he’ll say yes,” I grumbled and pouted.
“At least we tried.”
We entered the mansion and the butler greeted us.
“Where’s Neil?” I asked.
“He’s in his room, Mistress.”
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
Vampir[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...
