Chapter 14 ♕ Invitation

7.6K 199 4
                                        

Jessica Miyuki Valdez

 

“Try natin dun! Bilis!”

“Mukhang masaya nga!”

 “Try nyo ‘to masarap.”

“Tol! May nakita akong chicks!”

“Asan na ba sina Mia?”

Maingay ang buong paligid, lahat sinisigurado na kung na-try na ba nila lahat ng booths. Last day na kasi ng school festival namin at mamayang gabi gaganapin ang main event.

There will be a masquerade ball kaya lahat excited na. Maliban na lang sakin, eh hindi naman kasi ako sasali. Wala akong damit at isa pa di ako bagay sa mga ganun. Sigurado akong sobrang bongga na naman nyang ball nila at baka mapagtawanan lang ako dun. Hindi din naman compulsory kaya bakit pa ako sasali? Gastos lang yan!

Umupo ako sa bench habang pinapanood lang ang lahat sa mga pinaggagawa nila. Kahit last day na ng festival marami pa ring outsiders na pumupunta. Hindi pa ba sila nagsasawa sa mga booths dito? Eh ako nga na taga-rito sa school nagsawa na, sila pa kaya?

O baka naman iba ang pinunta nila rito?

“Excuse me, miss?” Napalingon ako nang may nagsalita. I shot them a questioning look.

“Bakit?”

“Do you know where’s Neil Knight?” tanong nung isang babae.

(= = .)

Sinasabi ko na nga bang iba ang pinupuntahan nila dito eh.

“Hindi eh, sorry.” Sagot ko lang at umalis naman sila na may mukhang disappointed. I looked away from them and fixed my attention back to the students roaming around.

And speaking of that guy... oo nga noh? Nasaan kaya yun? Hindi na kasi sya pumasok. If I ever see that guy I swear I’ll rip his head apart! Nasa kanya pa rin kasi ang cellphone ko! Susuntukin ko talaga yun pag pinakealaman nya yun!

I was then interrupted from my thoughts when a hand suddenly covered my eyes.

“Guess who?” Napabuntong-hininga na lang ako nang mapagtanto ko kung kanino galing ang mga kamay na yun.

“Soul, alam kong ikaw yan.” Sabi ko lang at tinanggal din naman nya ang kamay nya kaya hinarap ko sya. Isang nakangiting Soul agad ang nakita ko. Ano na naman bang trip ng isang ‘to? At ba’t mukhang excited?

“Ano?” tanong ko pero di nya ako sinagot at binigyan nya ako ng isang black envelope. Tinanggap ko naman yun and stared at him confused.

“I’ll be waiting for you. Sige ibibigay ko pa ‘tong mga invitations,” sabi lang nya at umalis na agad. Tinawag ko sya pero hindi sya sumagot o lumingon man lang at patuloy lang sya sa pagtakbo palayo. Napakamot na lang ako sa ulo at itinuon ang pansin sa binigay nyang envelope.

Invitations? Para saan ba ‘to?

Binuksan ko ito at binasa ang papel na nasa loob.

✧¸.•*¨*✧♡✧

You have been invited to Soul Alfieri’s 20th birthday

 It will be held at the Alfieri mansion

 There will also be a limousine to fetch you at exactly 7pm. October 18, 20**, Saturday

 We hope you can come

✧¸.•*¨*✧♡✧

Hala! Birthday na nya pala? Di man lang nagsabi! At saang planeta naman ‘tong Alfieri mansion? Tsaka ang yaman pala ni Soul, sa mansion nila ang venue at may limousine pa!

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon