Chapter 9 ♕ This Feeling

10.5K 229 2
                                        

Jessica Miyuki Valdez

 

Kinuha ko ang librong kakailanganin ko sa first subject mula sa locker ko nang marinig kong nagtitilian ang dalawang babae di malayo sa kinatatayuan ko. Magkawak sila ng kamay at nagtatalon habang nakatingin sa unahan.

Nilingon ko naman ang tinitilian nila and I took a sharp breath before looking away. Nagbi-busy-han ako habang hinihintay na malagpasan nya ako.

When I heard his footsteps walking closer, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sinulyapan ko sya nang malagpasan na nya ako. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung huli kaming nagkausap.

Pero di pa rin maalis sa matigas kong utak ang nangyari nung nasa garden maze kami ni Drace. It was a different side of him.

Uminit ang magkabilang pisngi ko nang maalala ko.. YUN!! Was he really g-going to kiss me?!

I just shook my head and slapped myself lightly. Hindi! Hindi! Imposible! Ang feelingera ko naman ata kung nag-a-assume ako na hahalikan nya ako nun!

Isinara ko na ang locker ko at aalis na sana nang may kamay na humarang. Nilingon ko ang may-ari nun at ang nakangising Carl ang nakita ko, kaklase ko sya sa isang subject ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit nasa harapan ko sya ngayon at nakangisi. Hindi naman kasi kami nagpapansinan at hindi ko nga rin alam kung alam nya ba na magkaklase kami.

"Anong kailangan mo?"tanong ko trying to hide my nervousness dahil may kaba akong nararamdaman sa pagngisi nya.

"I just want to ask a favor if you could tell Neil I want a rematch, you’re his girlfriend right?"  He said at tinanggal na nya ang kamay nya na nakapatong sa locker. Nagulat ako sa sinabi nya at nagsimulang uminit ang magkabilang pisngi ko. Sasabihin ko na din sanang mali sya ng iniisip pero naunahan nya ako.

"Sabihin mo rin, if he refuses," he paused and looked at my eyes so I looked away and he chuckled.“He’ll be sorry," pagpapatuloy nya and put his hand on his pocket at umalis.

Kunot-noo ko syang sinundan ng tingin. Sa lahat ng tao na pwede nyang paki-usapan bakit ako pa?! At ano raw?! Ako? Girlfriend nya? Like hello? Ni hindi nga kami nag-uusap! Tsaka pwede namang sina Luna or Troy eh at anong ibig nyang sabihin dun sa rematch?

Rematch saan? Nag-away kaya sila?

Bigla ko namang naalala na naglalaro na pala sya ng soccer ngayon. Last week kasi naglaban sina Drace at Carl tapos natalo ang team ni Carl. Kaya siguro sya galit. Ano yun, di maka-move on sa pagkatalo?

Inayos ko ang pagbibitbit sa mga gamit ko at naglakad na papunta sa first class ko. I have a bad feeling of that rematch.

・*:.。. .。.:*・

Lumabas na ako ng room namin para makapaglunch na. Hinanghina na talaga ako dahil hindi man lang ako nakapag-break kanina kaya di ko nasabihan si Drace tungkol dun sa rematch daw nila ni Carl.

Pagkatapos kasi ng first subject kanina, hindi na ako kumain at nag-aral na lang para sa long quiz namin sa second subject. Nakalimutan ko kasi na may long quiz pala kami kaya ayun tiniis ko ang gutom.

Sa sobrang gutom ko para akong sumali sa Death March!

Pagkapasok ko sa cafeteria, hinanap ko agad si Drace pero hindi ko sya nakita pati sina Luna at Tyler wala din. Asan kaya sila?

Sinulyapan ko ang wall clock ng cafeteria at 12:30 pa. Tapos na kaya silang kumain? Hahanapin ko na lang sila pagkatapos kong kumain. Di na talaga kaya ng tyan ko ang gutom.

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon