Chapter 33 ♕ A Secret

5.6K 153 5
                                    

Jessica Miyuki Valdez

 

Nakarating na kami sa tapat ng restaurant kaya tinanggal ko na ang seatbelt.

"Aalis ka na?" tanong ko kay Drace at tumango lang sya bilang sagot.

"They're waiting for me, call me if something's wrong okay?" he said and kissed me lightly on the lips.

"Sige," sagot ko. "Manyak" I continued in a whisper.

"I heard that," he said and glared at me kaya tinikom ko agad ang bibig ko.

"Hehehe wala naman akong sinabi ah? Sige ah bye," sabi ko at lumabas agad ng sasakyan. Umalis naman sya pagkalabas ko.

Humarap ako sa restaurant, nakita ko sina Mama sa loob na nag-uusap at kasama nila ang dalawang anak na babae ni Tito Alfred.

Pumasok na ako sa loob at lumapit sa kinaruroonan nila, napatayo si Mama nang makita ako.

"Nandito na pala ang isang anak ko, Jess halika upo ka dito," sabi ni Mama at pina-upo nya ako sa tabi nya.

Halatang masaya sina Mama at Tito Alfred dahil di natatangal ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Ija anong gusto mo?" tanong sakin ni Tito Alfred.

"Juice na lang po," sagot ko naman at tinawag nya ang waiter.

"Jess, sila ang mga anak ng Tito Alfred mo at sila na din ang magiging kapatid mo," masayang sabi ni Mama.

"Hi I'm Carla Villegas, you can call me Ate from now on," sabi ni Carla na nakangiti kaya ginantihan ko din sya ng ngiti. Mabait naman pala sya.

Napalingon ako sa katabi nya, she sipped her drink first before looking at me.

"Chloe Karyll Villegas," sabi lang nya at nag-crossed arms.

Isa pa 'to, mataray din. But believe me I faced worse, kita nyo naman ang ugali nung Valerie diba?

"Jessica Miyuki Valdez, but I preffer Jessie. Nice to meet you," sabi ko naman.

"Now that you know each other, sana magkasundo kayo dahil di rin magtatagal at magsasama na tayo sa iisang bahay," sabi ni Tito Alfred.

"Tsk yeah, I can't wait," Chloe said and I can sense sarcasm on it.

Inilapag ng waiter sa harap ko ang juice na inorder ni Tito para sakin and I said my thanks before he left.

"Jessie ija, how old are you?" tanong ni Tito.

"19 na po," sagot ko naman.

"Great! Pareho lang pala kayo ni Chloe, I bet magkakasundo kayo. Right sis?" sabi ni Carla sa mataray nyang kapatid.

"Yeah right," sabi nya sabay roll eyes.

Kami? Magkakasundo? I doubt that, ngayon pa nga lang sinusungitan na ako eh! Ewan ko ba sa babaeng yan kung ba't ako tinatarayan, wala naman akong ginagawa.

"Ahm Carla, anong course nyo ni Chloe?" tanong ni Mama.

"Ay Tita tapos na po akong mag-aral, I took up Architecture while Chloe here is taking Nursing. Eh sina Jessie po?"

"Si Jasmine highschool pa'to pero si Jessie, Management ang course nya."

Habang iniinom ko ang juice ko, narinig kong nag-smirk si Chloe and said "Tsk lame," kaya tinaasan ko sya ng kilay.

Itong babaeng 'to naghahanap ba 'to ng away? Dahil kung oo kahit na nandito ang pamilya namin, papatulaan ko talaga 'to! Nakakainis eh!

"What? Don't look at me like that, you know starring is rude," she said while raising her eyebrow. Ibinaba ko muna ang baso bago ako magsalita.

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon