Jessica Miyuki Valdez
Inilagay ko ang bag ko sa kama ko at umupo muna. Kahit na wala akong masyadong ginawa kanina sa school, feeling ko pagod na pagod ako.
Dalawang linggo na ang lumipas simula nung nakita ko si Drace sa sementeryo. At di pa rin yun maalis alis sa utak yung ala-ala na sinisipsip nya ang dugo nung babae.
Her lifeless face was haunting me, nakakaawa syang tignan. Nung nakita ko si Drace dun hindi ko alam kung matatakot ba ako o maaawa. When I saw him looked at me hindi ko alam kung bakit may nakita akong takot sa mga mata nya.
Pero bakit kaya sya nagkaganun?
Napabuntong-hininga na lang ako at tumayo tapos lumapit sa cabinet. Gusto kong maligo muna at sana mawala itong kaba na nararamdaman ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako nakakramdam ng ganito. Pakiramdam ko may masamang mangyayari.
Kumuha muna ako ng damit tapos isinara ko ang cabinet. Nahagilap ng mga mata ko ang kalendaryo at napatitig ako dun. Namagnet ang mga mata ko sa bilog na nakalagay sa kalendaryo. It’s the full moon.
“I’m... experiencing a kind of transformation when it’s full moon.”
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang sinabi ni Drace sakin. Napatakip ako ng bibig nang mabasa ko na ngayon pala ang full moon! A-Akala ko ba full moon noong nakita ko sya sa sementeryo?! Tsaka kung hindi full moon nun, bakit sya nagtransform?!
Sigurado akong nakakulong na sya ngayon at nakikita ko na sya sa utak ko na nahihirapan!
Di na ako nagdalawang-isip na puntahan sya kaya ibinalik ko sa cabinet ang mga damit ko at nagmadali akong bumaba ng hagdan.
Nadatnan kong nanonood ng TV si Mama kaya tumigil ako nang tawagin nya ako.
“Oh anak? Saan ka pupunta?” tanong niya.
“A-ahh sa kaklase ko po muna ako matutulog ngayon Ma. Group study daw eh,” palusot ko at di ko na hinintay na sumagot si Mama. Dumerecho ako sa tapat ng bahay namin at nag-abang taxi.
May pumara naman agad sa harapan ko. Binuksan ko ang pinto at pumasok na ako. Sinabi ko kay manong driver ang address ni Dwayne.
Kailangan ko ang tulong ni Dwayne dahil hindi ko alam ang papunta sa bahay ni Drace. Sana lang tutulungan nya ako.
“Manong pakibilasan,” sabi ko sa driver at bumilis naman ang takbo ng taxi. I bet right now he’s already looking for blood. Hindi ko kakayanin na makita kang pumapatay ng tao kaya hintayin mo ‘ko Drace!
Nang makita ko mula sa bintana ang pamilyar na bahay, inabot ko kaagad ang bayad ko pagkahinto ng taxi. Lumabas kaagad ako at kumatok sa gate ng bahay ni Dwayne.
“Dwayne!” Ilang beses ko syang tinawag hanggang sa bumukas ang gate and he’s now standing in front of me.
“Jessica? What are you doing here?”
“Kailangan kong tulong mo,” he looked at me confused but did not say a word.
“Si Drace... please dalhin mo’ko sa kanya,” his confused expression changed and it turned to concern.
“What?! Are you crazy? He’ll kill you on first sight!” Umiling ako, hindi nya magagawa sakin yun. I know I may sound desperate but I don’t care.
“Dwayne please?”
“Why do you want to go to him?”
“Gusto ko syang makita, gusto kong masigurado na okay lang sya. Please. Hindi ako titigil hanggat hindi mo’ko nadadala sa kanya.” Tinignan nya ako na nakakunot ang noo and he breathe out a sigh.
BINABASA MO ANG
Embracing Death ♕ What Are You?
Vampire[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Neil Drace Knight is one of the mythical creatures feared by everyone. A creature that feeds through blood and they are known as evil, terrifying and shows no mercy. Jessica Miyuki Valdez is jus...
