Chapter 11 ♕ Jealousy

8.4K 197 3
                                    

Jessica Miyuki Valdez

 

Lunch time na at pumipila na ako para makabili ng pagkain. Kanina pa talaga ako nagugutom, nagmamadali kasi ako kaya di na ako nagbreakfast. Tsaka di rin ako nakapag-break kasi kulang ang pera ko, nagtitipid kasi ako. Ang hirap talaga maging mahirap! Daming problema!

Habang pumipila ako, nakaramdam ako ng lamig at kasunod nun ang boses ng isang lalaki. A cold voice that I couldn’t forget.

"It's you again," humarap ako sa likuran ko and much to my surprise, Soul Alfieri was behind me! I was stunned for a moment pero nakabawi naman kaagad ako.

"Ahh heheh Hi," I laughed awkwardly as I waved my hand. I didn’t expect to see nor talk to him kaya hindi ko alam kung paano ako makikitungo! He saved my life and I want to be nice as possible to him.

"Would you mind if I ask for your name?” I flushed on what he said and for a second there, I want the ground to open up and eat me alive! May ‘Hi’ pa akong nalalaman di naman pala ako kilala!

I shook my embarrassment away and extended my hand.

 "Jessie nga pala," pagpapakilala ko. He looked at my hand and I can see he was hesitant but he accepted it anyway and we shook hands. And there I felt... his cold hand again.

Ngumiti na lang ako para di nya mahalata na naiilang ako. Eh kasi naman, everytime he's around lumalamig ang paligid, pati sa pagtitig sa mga mata nya parang may iba?

He’s a bit weird, too. I noticed he’s fond of staring and I caught him smelling something. It couldn’t be me, right?! Ganyan din kasi si Drace nung una kong encounter sa kanya. He stares and then sniffs at something.

"By the way,who’s with you?" he asked. And I blinked when he talked, para akong na-hypnotize sa mga mata nya. I was about to answer him to avoid the awkwardness pero may biglang umakbay sakin.

"Ui Jess! Libre mo'ko ngayon?" Sabi ni Troy sakin na sumingit sa linya. Sarap talaga batukan nitong si Troy oh! Nakakahiya kay Soul!

"Anong libre?! Hoy Monteverde dun kas sa dulo, kitang may pumipila eh." Sabi ko naman sa kanya at hinarap nya si Soul nang mapansin nya ito.

They were looking at each other intently na parang minememorize ang mukha ng isa't isa. Magkakilala kaya sila? Matanong nga... Kanina pa kasi sila nagtitigan eh na parang they were speaking through eyes.

"Uhh magkakilala kayo?" tanong ko at dun lang sila nag-iwasan ng tingin at pareho silang umiling.

Di naman pala magkakilala pero kung makatitig sa isa't isa parang long time buddies.

"Uhh Soul si Troy pala, Troy si Soul." Sabi ko sa kanila. Di pa rin sila kumikibo hanggang sa si Troy na ang bumasag sa katahimikan.

"Nice meeting you,"he said and both of them shook hands. But the way I see it, I think they both don’t want seeing each other.

Natapos na kaming bumili ng pagkain at naghahanap kami ng table. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Troy sa kamay ko.

"Jess tara na, maki-table na tayo sa asungot na yun." Sabi ni Troy at hinila na nya nga ako kahit na di pa ako nakaka-imik. Troy was in a hurry to get to their table. Hindi ko alam kung may iniiwasan ba sya o ano.

"Knight! umalis ka nga! Tatabihan ko si Jessie" Sita ni Troy kay Drace and he just rolled his eyes at him.

“There’s still unoccupied tables.” Sabi lang nya pero pina-upo na ako ni Troy tapos kumuha sya ng upuan at tumabi sakin.

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon