Chapter 7 ♕ Knight Mansion

9K 198 4
                                        

Jessica Miyuki Valdez

 

Sabay na kami ni Troy na naglalakad, at hindi ko pa rin maiwasang kabahan. May kutob akong may mga matang nakatingin samin ngayon. Pero pag lingon ko sa paligid, wala naman. Puro halaman lang ang nakikita ko.

Habang palapit kami nang palapit sa mansyon, mas nagiging malamig ang atmosphere. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko o baka paranoid lang talaga ako?

Para akong nasa isang horror movie! Gusto ko na tuloy umatras dahil nangangatog na ang tuhod ko sa takot. 

"T-Troy wag na lang kaya nating ituloy?" sabi ko at napalingon sya sakin.

"Andito na nga tayo ngayon ka pa aatras?"

"Natatakot ako eh," pag-amin ko sa kanya kaya natawa sya. Sarap talaga batukan ng lalaking 'to!

"Saan ka naman natatakot? Kay Neil?"Natatawang sabi nya. Nakakainis talaga 'to oh! Kita naman nya na seryosong-seryoso ako dito tapos pagtatawanan lang nya ako?!

"Hindi!.. Ah basta uuwi na ako!"Naiinis na sambit ko at tumalikod na. Hindi ko talaga kayang manatili dito and I don't even know why! Basta bigla ko na lang naramdaman.

"Bumalik ka nga dito! Wala kang sasakyan,"sabi nya sakin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Maglalakad ako!" Wala na akong pakealam basta gusto ko nang umalis, bahala na si batman kung maligaw man ako!

"Hindi mo alam ang daan pauwi!"

"Magtatanong na lang ako!"

Narinig ko ang mga footsteps nya na tumatakbo palapit sakin kaya binilisan ko ang lakad ko pero naabutan nya pa rin nya ako. Kung gusto nyang magpaiwan dito, pwes di ko sya pipilitin na samahan akong umuwi! Basta gusto ko na talagang umalis.

"Delikado kapag umuwi kang mag-isa,"seryosong sabi nya.

"Eh di ihatid mo'ko." Nagbabasakali lang akong tamaan sya ng kabaitan. Pero ewan ko na lang kung tatablan ba sya ng himala. Immune ata ang isang 'to eh!

"Kahit na kasama mo pa ako, delikado pa rin kaya halika na sa loob! Wag kang mag-aalala di ka kakagatin ni Neil, harmless yun." Sabi nya and I saw him smirked, hinila nya ang kamay ko pero pilit kong binabawi. Ayoko talaga eh!Waahhh!!! Parang gusto ko nang umiyak!!

"Troy! Ayoko"

"Halika na," pilit nyang hinila ang kamay ko pero nagpupumiglas ako.

"Troy naman eh gusto ko nang umuwi"

"Hindi pwede kaya—“

"May I help you?" Nagulat ako nang paglingon ko, may matandang lalaki na nakatayo at may mga babaeng naka-suot ng maid uniform din ang nakatingin samin. Where did they come from?!

Troy’s grip eased and his gaze turned to the old man.  

"We're looking for Neil, is he here? We would like to see him."

Mas lumapit pa ako kay Troy dahil napapansin ko na nakatitig ang mga katulong sakin. Parang pati kaluluwa ko tinitignan na nila. Problema nila?

"I'm sorry but the young master is now resting," sabi ng matandang lalaki. Nagdiwang naman ang puso at lahat ng kalamnan ko pati kaluluwa ko nagdiwang na din dahil sa sinabi nya.

YES!!! Makaka-uwi na ako!!! WOHOO!!

"I need to talk to him,"matigas na sabi ni Troy at lumingon sakin. Napalingon din ang matanda sakin.

Embracing Death ♕ What Are You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon